August 18, 2006
Tambalang Sam-Toni May Kakaibang Kilig
HINDI maikakailang sina Sam Milby at Toni Gonzaga ang dalawa sa pina-kasikat na young stars nga-yon. Maganda at guwapo, parehong talented sa kani-kanilang paraan, parang ti-la bagay na bagay sila sa isa't isa. Kaya naman sa unang pagka-kataon, pinagsama sila ng Star Cinema sa isang napakalaking pelikula, ang You are the One!
Ang kuwento ng inaabangang big onscreen team-up nila: Dalawang taong pinagtagpo ng mga kakaibang pag-kakataon, da-lawang pusong pagsasa-mahin sa 'di-inaasahang panahon, very true-to-life ang dating kina Toni at Sam na sa totoong buhay ay magkaibang-magkaiba rin.
Pero, parang na-magnet ang dalawa as isa't isa. Kung dati'y very vocal ang dalawa na crush ang isa't isa, pero walang oras para kilalanin ang isa't isa, nga-yon, dito sa set ng pelikula nagkaroon sila ng mara-ming oras for each other!
Kung dati'y nahihiya si-la, ngayon wala nang hiya. Wala nang kiyeme. At ma-laki ang pasasalamat nila na ginawa nila ang pelikulang ito - na lalong nagpapalakas ng chismis na sila na talaga sa totoong buhay!
Pero, anuman ang tunay na estado ng relasyon nila, kitang-kita ito sa resulta ng You are the One. Very natural ang chemistry nilang dalawa, very easy at light ang banter, kaya naman lalong natuwa si Direk Cathy Garcia-Molina na na-sa likod din ng box-office hit na Close To You.
Excited na sina Sam at Toni sa pagpapalabas ng pelikula nila.
"This is our first team- up and I really want to see how far this would go," sabi ni Sam.
"And the fact that it's Toni who I'm paired up with makes this doubly special."
"Dito niyo makikita bu-kod sa kilig, bukod sa mga punchline, ang reality ng life at love. Very totoo ang mga characters namin, very real ang situations, kaya sigu-radong napakaraming ma-kaka-relate."
Excited na ang lahat sa bago yet very familiar na combination na matagal nang pinag-uusapan pero ngayon lamang pinagsama! Ang hiling ng nakara-rami, pinagbigyan na ng Star Cinema through this movie!
Sa August 30 na ang You Are The One, at siguradong panonoorin ko ang movie-ng ito! Kita-kits tayo sa mga sinehan!!
ShowBuzz Archives
View Archives for February 2007
View Archives for January 2007
View Archives for December 2006
View Archives for November 2006
View Archives for October 2006
View Archives for September 2006
View Archives for "August 2006"
View Archives for "July 2006"
View Archives for "June 2006"
View Archives for "April 2006"
ShowBuzz Categories
Did not find the stories and/or pictures you're looking for? Find it using the ShowBuzz Categories!
View Category "Advertising World"
View Category "All About Movies"
View Category "ASAP"
View Category "Bituing Walang Ningning"
View Category "Captain Barbell"
View Category "Cartoons Fever"
View Category "Celebrity Focus"
View Category "Celebrity Pairs"
View Category "Celebrity Pictures"
View Category "Fashion Shows"
View Category "Hunks Galore"
View Category "I Love Bench"
View Category "I Luv NY"
View Category "International Scene"
View Category "Majika"
View Category "My Music Station"
View Category "Philippine Idol"
View Category "Pinoy Big Brother"
View Category "Pinoy Dream Academy"
View Category "Sa Piling Mo"
View Category "Sexy Babes Parade '07"
View Category "Sexy Babes Parade '06"
View Category "Sports World"
View Category "Television Addict"
View Category "Television Ratings"
View Category "U Can Dance"
Leave a Comment



