September 21, 2006
SOP, S-Files Mag-Rereformat?!?
Nangangamoy reformat ang SOP kapag sa mga susunod na linggo ay hindi "binawian" sa ratings ang katapat nitong ASAP 06.
'Yan ang naitsika sa amin ng isang taga-GMA-7, dahil ilang linggo na umanong tinatalo ng ASAP ang kanilang variety show.
"Kahit nga ano'ng itapat naming segment o artista, at kahit si Regine Velasquez pa ang itapat, 'pag umaapir na si Sam Milby, wala na. Kabog na ang SOP.
"Kasi, may hawak na per gap ratings ang SOP, at du'n nalalaman kung kaninong segment ang pinakamalakas, and it turned out na 'pag si Sam na ang lumalabas, nilalamon na ang viewership ng SOP.
"And surprisingly, nalolokah rin sila 'pag sina Kim Chiu at Gerald Anderson na ang lumalabas sa screen, ang taas din ng ratings ng gap ng magka-loveteam!"
Ayon pa sa aming kausap, inuobserbahan pa nila ang trending, 'pag hindi talaga kaya, magri-reformat ang SOP in three weeks' time.
THE same source rin ang nagsabi na maging ang S-Files ay "maiinitin ang ulo" at "sensitive" these days, dahil kung hindi nagkakamali ang aming source, mahigit isang buwan nang inilalampaso ng The Buzz ang Sunday showbiz talk show ng Siyete.
Kung hindi man daw magpapalit o magbabawas ng hosts, patitindihin na lang daw ang line-up nilang isyu.
Unfair din kay Richard Gomez na iturong dahilan ng pagkatalo nila sa Buzz ang "pagkataklesa" niya sa relasyong Rufa Mae Quinto at Erik Santos.
Dito raw talaga na-turn-off nang husto ang viewers. Na pinalambot ang pagiging macho ng pagkatsismoso raw ni Richard.
Itinuturo ring dahilan ang pagiging overexposed ni Pia Guanio, na ang term na ginamit pa ng aming source ay, "Nakauuta na sa tv. Siya na lang nang siya ang napapanood ng tao!"
Gano'n ba 'yon? Porke araw-araw napapanood sa Eat Bulaga at 24 Oras, hindi na kapana-panabik mapanood tuwing Sunday?
Kami naman ay naniniwalang hindi naman ilalagay diyan si Pia kung wala siyang hatak sa tao, eh.
Nakalolokah! Ganito na agad ang iniisip ng ilan gayung ilang points at minsan nga, wala pang one point ang lamang ng Buzz over S-Files?
Eh, kung matalo na naman uli sa rating? Hindi kaya ang iturong dahilan naman ay ayaw ng fans na tumakbong governor ng Bulacan si Goma o ayaw nila ang husky voice ni Joey Marquez o ang pagpapa-cute ni Paolo Bediones?
Pero, siguro nga, pag-igihan na lang ang trabaho ng hosts at laman ng show para makabawi na sa mga susunod na linggo.
Okay lang na paminsan-minsan, natatalo ang S-Files. After all, hindi lang naman sila ang anak ng Diyos, 'di ba?
Saka, come to think of it, minsan talaga, napanood na sa Startalk ang mga tsika nila, kaya ang tendency talaga, lumipat ka sa The Buzz.
SOURCE: Journal Group Article Written by: Ogie Diaz
Talk About the Ratings... Laos na ba ang ABS-CBN? Nanganganib na ba ang GMA 7?:
|
ShowBuzz Archives
View Archives for February 2007
View Archives for January 2007
View Archives for December 2006
View Archives for November 2006
View Archives for October 2006
View Archives for September 2006
View Archives for "August 2006"
View Archives for "July 2006"
View Archives for "June 2006"
View Archives for "April 2006"
ShowBuzz Categories
Did not find the stories and/or pictures you're looking for? Find it using the ShowBuzz Categories!
View Category "Advertising World"
View Category "All About Movies"
View Category "ASAP"
View Category "Bituing Walang Ningning"
View Category "Captain Barbell"
View Category "Cartoons Fever"
View Category "Celebrity Focus"
View Category "Celebrity Pairs"
View Category "Celebrity Pictures"
View Category "Fashion Shows"
View Category "Hunks Galore"
View Category "I Love Bench"
View Category "I Luv NY"
View Category "International Scene"
View Category "Majika"
View Category "My Music Station"
View Category "Philippine Idol"
View Category "Pinoy Big Brother"
View Category "Pinoy Dream Academy"
View Category "Sa Piling Mo"
View Category "Sexy Babes Parade '07"
View Category "Sexy Babes Parade '06"
View Category "Sports World"
View Category "Television Addict"
View Category "Television Ratings"
View Category "U Can Dance"



