December 13, 2006
Mau Marcelo, Philippine Idol Champion
Ang 26-anyos na soul singer mula sa Lucena City na si Maureen 'Mau' Marcelo ang tinanghal na unang Philippine Idol sa grand finals nito nu'ng Linggo nang gabi sa Araneta Coliseum.
Maraming nagulat sa pagwawagi ni Mau dahil siya ang itinuturing na 'dark horse' sa Big 3 na naglaban-laban sa finals. Parehong malalakas sa mga tao at sa judges ang dalawang male finalists na sina Gian Carlo Magdangal (24 y/o) at Jan Nieto (25 y/o).
Sa simula pa lang ng grand finals performance night nu'ng Sabado ay nagbigay na ng fearless forecast ang tatlong resident judges ng PI na sina Mr. Ryan Cayabyab, Francis Magalona at Mamita Pilita Corrales na lalake ang mananalong first ever Philippine Idol pero pinatunayan ni Mau na mali silang lahat at nasa kanya ang huling halakhak.
Nakausap namin ang emosyonal na si Mau sa may entablado ng Araneta matapos siyang ideklarang winner at inamin niyang medyo naapektuhan siya sa sinabing 'yon ng mga hurado.
Pero feeling vindicated siya kaya gagawin niya raw ang lahat para patunayang karapat-dapat siyang maging kampeon.
"I'm very proud dahil ako ang magre-represent sa Pilipinas. Gagawin ko ang lahat para sa mga Pilipino. Ilalampaso ko sila!" bulalas ni Mau nang mapag-usapan ang posibleng pagpapadala sa kanya ng PI sa Asian Idol o sa World Idol competition.
Maging siya ay hindi makapaniwalang tinalo niya sina Gian at Jan dahil ayon kay Mau, bukod sa parehong malakas ang followers ng dalawa ay may pera ang mga ito, hindi katulad niya na nagmula sa hirap.
Aniya, si Gian ay La Sallista at si Jan ay Atenista samantalang siya ay gradweyt lang ng high school mula sa Quezon High School.
Very close ang labanan sa finals at 1.42% lang ang lamang ni Mau sa sumusunod sa kanya. 35.26% ng total votes ang nakuha niya, ang 2nd place ay naka-33.84% at ang pangatlo ay naka-30.90%.
Ayon sa PI director na si Direk Mark Reyes, ang third and final song (na record producer's choice) ni Mau nu'ng Sabado ang posibleng naging dahilan ng kanyang pagkapanalo.
Bukod sa well-applauded ay binigyan ng standing ovation sa Big Dome ang madamdaming pag-awit ni Mau ng On My Own ni Whitney Houston na ikinaiyak niya sa sobrang pagka-touch.
Mula 7-anyos ay kumakanta na si Mau at nu'ng 8-anyos siya ay nagsimula na siyang sumali sa mga amateur singing contest.
Ilan sa mga nasalihan niya ay Sing Galing, Star Quest at Star For A Night kung saan ang nag-champion ay si Sarah Geronimo.
"I think more than 200 na ang nasalihan kong singing contests. Naubos na 'yung mga trophy na napanalunan ko sa kado-donate ko sa mga Miss Gay beauty contest! Hinihingi kasi nila eh, binabaligtad lang 'yung name ko sa harapan at pinapalitan ng pangalan!" natatawang tsika ng babaeng bading na si Mau.
Sa mga nagsasabing hindi siya dapat naging Philippine Idol dahil may dugo siyang banyaga, ang sagot ni Mau ay hindi na niya kasalanan 'yon kung nalahian ang kanyang ina. Ang mahalaga ay dito siya ipinanganak sa 'Pinas at Pinoy na Pinoy siya.
'Samantha Brown' ang dati niyang ginagamit na pangalan, mula sa totoong apelyido ng kanyang Puerto Rican father. Apat na buwan pa lang si Mau ay naghiwalay na ang kanyang mga magulang. Sa California naninirahan ang kanyang ama at ang ina niya ay pumanaw nu'ng siya'y 14 y/o.
"Sabi nila, hindi na raw ako magbu-bus at magta-tricycle pauwi sa Lucena kaya bibili na ako ng sasakyan. Kahit second hand lang, okey na. 'Yun lang ang pangarap ko, mababaw lang," sagot ni Mau nang tanungin namin kung anong gagawin niya sa kanyang P1M cash prize.
Bukod doon ay meron siyang record deal with BMG Records at kontrata sa Idol franchise holder na Fremantle.
Anong pakiramdam niya ngayon na dati ay tinalo siya ni Sarah Geronimo, pero ngayon ay may sarili na rin siyang titulo?
"I think time 'yon ni Sarah noon, hindi ko time 'yon. This is my time. I believe in that," nangingilid ang luhang sambit ng first Philippine Idol na si Mau Mercelo.
Bukod kay Ms. Gretchen Barretto na kasama ang big boss ng ABC-5 na si Mr. Tonyboy Cojuangco, nakita rin namin sa two-night finals ng PI ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy-Torres Gomez (na siguradong natuwa sa pagwawagi ng bet nilang si Mau Marcelo).
Naaliw kami kay Goma na umupo pa sa may tabi namin nina Ate Nitz Miralles at Chanchan Torres nang tawagin namin para tsikahin.
Tinanong namin siya tungkol sa napabalitang hindi na raw siya tatakbo bilang gobernador ng Bulacan dahil sa iginigiit ni House Speaker Jose de Venecia na Con-Ass (Constituent Assembly) na naging Con-Con (Constitutional Convention).
Ayon kay Goma ay walang katotohanan 'yon. Wala raw siyang anumang inaatrasan pero nabanggit niya sa amin na magkakaroon pa sila ng final assessment sa Enero para talakayin ang weak points at strong points ng kanyang napipintong pagsabak sa pulitika.
Aniya pa, positibo siyang magkakaroon tayo ng eleksyon sa 2007 dahil hindi umano papayag ang Senado na hindi ito matuloy.
Love This BlogPost? Hate It Even More? Leave Your Raves, Rants and Messages Here:
|
ShowBuzz Archives
View Archives for February 2007
View Archives for January 2007
View Archives for December 2006
View Archives for November 2006
View Archives for October 2006
View Archives for September 2006
View Archives for "August 2006"
View Archives for "July 2006"
View Archives for "June 2006"
View Archives for "April 2006"
ShowBuzz Categories
Did not find the stories and/or pictures you're looking for? Find it using the ShowBuzz Categories!
View Category "Advertising World"
View Category "All About Movies"
View Category "ASAP"
View Category "Bituing Walang Ningning"
View Category "Captain Barbell"
View Category "Cartoons Fever"
View Category "Celebrity Focus"
View Category "Celebrity Pairs"
View Category "Celebrity Pictures"
View Category "Fashion Shows"
View Category "Hunks Galore"
View Category "I Love Bench"
View Category "I Luv NY"
View Category "International Scene"
View Category "Majika"
View Category "My Music Station"
View Category "Philippine Idol"
View Category "Pinoy Big Brother"
View Category "Pinoy Dream Academy"
View Category "Sa Piling Mo"
View Category "Sexy Babes Parade '07"
View Category "Sexy Babes Parade '06"
View Category "Sports World"
View Category "Television Addict"
View Category "Television Ratings"
View Category "U Can Dance"



