August 12, 2006
EB Babes, Tatalbugan ang Sexbomb?!?
Fresh, sexy, pretty at mga bata't sariwa ang dating ng sampung mapapalad na napiling EB Babes ng Eat Bulaga na pormal na ipinakilala sa press nu'ng Miyerkules nang gabi sa Klownz-Quezon Ave.
Mula sa 44 semi-finalists, 22 finalists ang napiling pumasok sa EB Babes Training Camp at matapos ang limang linggong pagsasanay at mga pagsubok, sampung matitibay na babae ang natira at opisyal na tinanghal bilang EB Babes. Sila ay sina…
ANN (Rose Ann Boleche, 19 y/o): 'Ballroom Dancing Babe' ng Quezon City
ANGEL (Angel Coronel, 21 y/o): 'Streetjazz Babe' ng QC
BELLE (Marbelynne Rivera, 18 y/o): 'Diva Babe' ng Bulacan
JOYCE (Joana Joyce Burgos, 18 y/o): 'Cheerleading Babe' ng Laguna
KIM (Kimberly Kate Guevarra, 19 y/o): 'Comedy Babe' ng Tarlac
LIAN (Lian Katrina Paz, 18 y/o): 'Dance Stunts Babe' ng Marikina City
MADEL (Madelyn Palma, 20 y/o): 'Gymnastics Babe' ng Cebu City
MAE (Mary Jose Dela Cerna, 19 y/o): 'Acting Babe' ng Bulacan
MERGENE (Mergene Maranan, 19 y/o): 'Photogenic Babe' ng Bulacan
SAIDA (Saida Diola, 18 y/o): 'Belly Dancing Babe' ng Sampaloc, Manila
Ang bawat isang EB Babe ay tumanggap ng P200,000 cash prize at P800,000 guaranteed contract mula sa TAPE, Inc. na magma-manage ng career nila for two years.
Bukod sa pagiging regular dancers ng Eat Bulaga araw-araw ay maaari rin silang mag-guest sa iba't ibang shows ng GMA-7 as a group.
***
Nagpakitang-gilas sa pagsayaw at pagkanta ang sampung EB Babes sa kanilang press launch.
Hindi pa ganu'n kapulido ang kanilang dance moves at ang iba ay halatang ninenerbyos pero understandable 'yon dahil kabubuo pa lang ng kanilang grupo.
Kanya-kanyang comment ang press habang humahataw ang sampung girls sa kanilang mahabang sing and dance medley.
Standout si Ann na todo-bigay kung sumayaw at iba ang mga pitik at galaw ng katawan.
It turned out na si Ann (na may hawig kay Asia Agcaoili at kaboses ni Danica Sotto) ang napiling 'leader' ng grupo dahil siya ang pinakamagaling sumayaw at nag-excel siya sa lahat ng dancing lessons nila sa loob ng training camp.
Kung ganda ang pag-uusapan ay nakalalamang sina Mergene, Lian at Saida. May hawig kay Vanessa del Bianco si Kim at si Mae ay mala-Jolina Magdangal lalo na sa kanyang long hair na may bangs.
May ibubuga sa kantahan at biritan si Belle na lookalike ni Ana Capri at cute ang Visayan accent ng Cebuanang si Madel. Napansin ng kaibigang Anna Pingol ang sexy 'dimples' sa may bandang puwet ni Saida.
In fairness, sa open forum ay marunong sumagot ang mga hitad at pinatunayan nilang may laman ang kanilang mga utak.
Ang ilan sa kanila ay may mga previous TV exposure na noon pero ang iba ay first time ma-experience ang ganito.
Lahat sila ay nangangarap na maging sikat na dancer sa telebisyon. Nais din nilang maging singer at artista kung susuwertihin. Ibinigay raw nila ang best nila kaya deserving silang mapili bilang EB Babes.
Hindi sila pinagbabawalan pero ayon sa sampung girls ay wala silang mga boyfriend ngayon. Sa tanong kung magagawa nilang higitan ang nagawa ng Sexbomb Dancers (na nawala sa Eat Bulaga kaya nagkaroon ng EB Babes search), ang sagot nila ay hindi nakamit 'yon ng Sexbomb overnight kaya handa rin silang magsumikap para makilala at magtagal sa industriya.
SOURCE: Abante Tonite Article Written by: Allan Diones
ShowBuzz Archives
View Archives for February 2007
View Archives for January 2007
View Archives for December 2006
View Archives for November 2006
View Archives for October 2006
View Archives for September 2006
View Archives for "August 2006"
View Archives for "July 2006"
View Archives for "June 2006"
View Archives for "April 2006"
ShowBuzz Categories
Did not find the stories and/or pictures you're looking for? Find it using the ShowBuzz Categories!
View Category "Advertising World"
View Category "All About Movies"
View Category "ASAP"
View Category "Bituing Walang Ningning"
View Category "Captain Barbell"
View Category "Cartoons Fever"
View Category "Celebrity Focus"
View Category "Celebrity Pairs"
View Category "Celebrity Pictures"
View Category "Fashion Shows"
View Category "Hunks Galore"
View Category "I Love Bench"
View Category "I Luv NY"
View Category "International Scene"
View Category "Majika"
View Category "My Music Station"
View Category "Philippine Idol"
View Category "Pinoy Big Brother"
View Category "Pinoy Dream Academy"
View Category "Sa Piling Mo"
View Category "Sexy Babes Parade '07"
View Category "Sexy Babes Parade '06"
View Category "Sports World"
View Category "Television Addict"
View Category "Television Ratings"
View Category "U Can Dance"
Leave a Comment



