July 5, 2006
Bench Fever: Recap
SOURCE: Abante Tonite Article Written by: Allan Diones
Puno ng tao ang Araneta Coliseum nu'ng Biyernes ng gabi sa inaabangang fashion event of the year, ang Bench Fever: The Underwear and Denim Show.
Diskung-disco ang ayos ng stage at nakaiindak ang mga background songs na ginamit na nagpabalik sa audience sa makulay at masayang disco era nu'ng '70s at '80s.
8:45 PM nagsimula ang show. After ipalabas sa screen ang sexy disco video tampok ang ilang Bench celebrity models, mula sa itaas ay unti-unting bumaba sa entablado ang isang babaeng modelo na nakaupo sa 'buwan' at nagli-lipsynch ng Enough Is Enough habang naglalabasan ang mga lalakeng modelo.
Walang naganap na 'oblation walk' tulad nu'ng Understatement 2004 pero ang lakas ng tilian nu'ng humilera ang male models at sabay-sabay nilang haltakin ang kanilang mga pantalon para i-expose ang kanilang mga suot na thong, sabay lights off!
Si Bea Albert ang nag-style ng 'Overture' portion na 'yon. umentra ang mga rollerskaters para sa unang segment na VARSITY (sina Miguel Rosales at Celine Lopez ang featured designer) sa saliw ng Dancing Queen.
Bukod sa sumasayaw-sayaw ay nagsa-slide-slide ang mga modelo sa rampa. Okey ang exhibition ng mga rollerskaters kaya lang ay nagtatawanan ang crowd kapag naa-out of balance sila at medyo nakaka-tense dahil baka magkandahulog sila sa stage!
Si Rafael Rosell ang unang celebrity model na lumabas. Born To Be Alive ang tugtog habang rumarampa siya kasunod ang mga modelo.
Binubuksan ng ilang female models ang suot nilang jacket para ipasilip ang kanilang boobs paghinto nila sa dulo ng runway.
Cute ang mga varsity boys na may mga bitbit na tropeo at may suot na medalya habang rumarampa nang naka-underwear.
Funky Town ang music pagpasok nina Bianca King, Jake Cuenca, Asia Agcaoili, Corey Wills at Tyron Perez.
Si Rufa Mae Quinto ang unang bumulaga sa sumunod na segment na TEMPTATION ISLAND (si Cecile Zamora ang designer).
Beauty queen na naka-bra at panty ang drama ni Rufa Mae. May suot siyang sash na 'Miss Manila Sunshine,' may gwantes sa kamay at may tiara sa ulo at pakaway-kaway ala-Miss Universe.
Tuloy ang parada ng sari-saring 'bukol' habang tumutugtog ang Beh, Buti Nga. Sunod na umentra sina James Blanco (naka-boxer briefs), Michelle Madrigal (naka-bra at shorts) at ang rampadorang si Alessandra de Rossi na kering-keri ang suot na sexy undergarments. Cute ang pa-flirty girl na pose ni Alex pagtayo niya sa dulo ng rampa.
SUPERHEROES (si Tim Yap ang designer) ang ikatlong segment. Tumugtog ang Superman musical score ni John Williams, tapos ay umangat ang naka-harness at may kapang si Wendell Ramos at nag-ala Brandon Routh ito sa ere.
Pagbaba ni 'SuperWendell' ay tinanggal niya ang kanyang boxer briefs at naghiyawan ang audience pagkakita sa kanyang sequined T-back!
Malaki ang katawan at muscles ngayon ni Wendell pero ang sexy pa rin ng dating niya at type na type pa rin ng mga girlash at mga baklita ang makinis niyang puwet!
Rumampa rin si Jon Hall kasama ang mga nakakapang modelo, tapos ay umentra na si Ai Ai de las Alas para irampa ang kanyang outlandish outfit.
May malaking disco ball headdress si Ai Ai, nakaitim na corset at underpants na pinatungan ng mala-ball gown na outfit na gawa sa puting tela at plastic material.
Ang lakas ng tilian nu'ng rumampa si Ai Ai sa runway na isa-isa niyang hinihintuan ang mga lalakeng modelo, tapos ay hinahaplus-haplos niya ang katawan at pinipisil-pisil ang 'bukol' ng mga ito.
Tili ni Ai Ai sa panghuling hinipuan niya, "Ang saraappp!"
Fame ang tugtog sa umpisa ng STRIPES segment (si Rajo Laurel ang designer) na pumuwesto ang female models sa ginta ng stage at unti-unting umikot ang kanilang kinatatayuan.
It's Raining Men ang umalingawngaw paglabas ng mga lalakeng modelo para irampa ang kanilang underwear na ang ku-cute ng psychedelic stripes.
Flashdance ang background song pagrampa nina Angelica Panganiban at Cassandra Ponti. May attitude ang projection ni Angelica na naka-bra tops at panty (pero may suot na leggings).
Ang lakas ng hiyawan pag-entra ni Zanjoe Marudo na kumikinang na mala-mirror ball ang suot na boxer briefs. Bagay na bagay sa height ni Zanjoe ang very lean niyang katawan.
Hindi siya kaguwapuhan pero ang lakas ng appeal niya at lalaking-lalake ang kanyang dating!
LEATHER & CHAINS (si Rhett Eala ang designer) ang ikalimang segment na puro kulay itim ang suot na underwear ng mga modelo.
Stand out sa rampa ang mga male and female Brazilian models.
Kasamang rumampa ni Francine Prieto sa segment na ito sina Tanya Garcia (naka-two piece pero may suot na tapis), Antonio Aquitania, Jake Cuenca at Andrew Wolff (na tila OA sa laki ang katawan ngayon).
Voluptuous ang dating ni Francine at mas fit ang katawan niya ngayon kumpara last time sa Understatement.
Ang magkaibigang bombshell na sina Maureen Larrazabal at Alicia Mayer ang nagbukas ng VICTORIAN segment (si Patrice Ramos-Diaz ang designer) sa saliw ng Call Me ni Blondie na sinundan ng Can't Take My Eyes Off You. Ka-join sa mga rumampang modelo ang ex-gf ni Dennis Trillo at Bb. Pilipinas-World 2005 na si Carlene Aguilar. Confident sa catwalk si Camille Prats (na naka-black tops at panty na walang leggings) pero halata pa rin ang pagka-chubby niya at ang iksi ng kanyang legs.
Ka-join ni Camille sa segment na 'yon sina Phoemela Baranda, Cass Ponti, JayR (na ang sexy pa rin at nagmumura ang sex appeal), Doug Kramer (na kahit malaki ang katawan ay delicious ang dating) at Marco Alcaraz (na maraming hindi nakakilala dahil iba raw ang itsura).
Highlight ng ikapitong segment na PUCCI (si Randy Ortiz ang designer) ang tandem nina John Estrada at Keanna Reeves.
Bagay na bagay kay Keanna ang I Will Survive na tumutugtog sa background pag-entra niya.
Damang-dama ni John ang pagrampa na parang very proud sa kanyang 'ipinagmamalaki.'
Animo'y tini-tease ni John ang mga baklesh sa audience sa pag-indak-indak niya na akala mo'y nagma-macho dancing.
Dance-dance rin ang Keanna na naka-panty at bra lang at pag naglalakad ay nag-aalugan ang 'pagkalalaking boobs. Applauded ang dalawa dahil bigay na bigay sila. Hiyawan ang mga tao nu'ng lumuhod si Keanna sa harap ni John at inamuy-amoy ang 'notes' nito!
Bago um-exit ay huminto pa sa gitna ang dalawa at saka nag-lips to lips kaya sigawan na naman ang audience!
DENIM collection (si Joey Samson ang designer) ang ika-walo at huling segment na pawang celebrities ang nagsirampa in their Bench denims.
Partner ni Joey Marquez ang dalagita niyang si Winwin, sumunod sina Gian Carlos (ng Starstruck 3), Mikee Lee (ng PBB Teen Edition), Maggie Wilson, Iya Villania, Shaina Magdayao, John Prats, Christian Bautista, Kim Chiu & Gerald Anderson (ng PBBTE) at Diether Ocampo & Kristine Hermosa.
Ang lakas ng tilian pagrampa ni Sam Milby, pero hiyawan din ang audience pag-entra ni Richard Gutierrez na naka-topless at ipinu-flaunt ang kanyang malalaking muscles. Nauna kay Richard ang kakambal niyang si Raymond.
Finale siyempre ang Bench 'royal couple' na sina Richard Gomez at Lucy Torres na applauded sa kanilang mala-Aztec king and queen na costume.
Matapos rumampa ng buong cast ay isa-isang ipinakilala sa stage ang featured designers at panghuli ang butihing chairman ng Bench na si Mr. Ben Chan.
Sayawan na ang kasunod. Nag-perform ng ilang songs ang Sister Sledge at Village People at 10:30 PM ay tapos na ang show.
ShowBuzz Archives
View Archives for February 2007
View Archives for January 2007
View Archives for December 2006
View Archives for November 2006
View Archives for October 2006
View Archives for September 2006
View Archives for "August 2006"
View Archives for "July 2006"
View Archives for "June 2006"
View Archives for "April 2006"
ShowBuzz Categories
Did not find the stories and/or pictures you're looking for? Find it using the ShowBuzz Categories!
View Category "Advertising World"
View Category "All About Movies"
View Category "ASAP"
View Category "Bituing Walang Ningning"
View Category "Captain Barbell"
View Category "Cartoons Fever"
View Category "Celebrity Focus"
View Category "Celebrity Pairs"
View Category "Celebrity Pictures"
View Category "Fashion Shows"
View Category "Hunks Galore"
View Category "I Love Bench"
View Category "I Luv NY"
View Category "International Scene"
View Category "Majika"
View Category "My Music Station"
View Category "Philippine Idol"
View Category "Pinoy Big Brother"
View Category "Pinoy Dream Academy"
View Category "Sa Piling Mo"
View Category "Sexy Babes Parade '07"
View Category "Sexy Babes Parade '06"
View Category "Sports World"
View Category "Television Addict"
View Category "Television Ratings"
View Category "U Can Dance"
Leave a Comment



