November 30, 2006
Alex Versus Toni
MUKHANG sa halip na maayos ay lalo pa yatang lumalala ang pagkaka-sangkot ng pangalan ni Toni Gonzaga sa hiwala-yan nina Alessandra de Rossi at Jeremy Marquez.
Nagsalita sa The Buzz kahapon si Toni at nilinaw niyang wala si-yang kinalaman sa break-up ng dalawa. Ayaw din daw niyang ma-involve dito dahil problema 'yun ng magkasintahan.
"I don't wanna be involved sa problema nila. I told Jeremy sa e-mail na ayusin ang problema nila at mag-pray… Sana after nito, eh, matuldukan na ang isyu," pahayag ni Toni.
Inamin din ng dalaga na apektado ang kanyang pamilya sa mga naglalabasan na siya ang cause ng hiwalayan ng dalawa.
"Affected siyempre ang family ko. Kung sa akin lang, okey lang, eh. Pero sila yung apektado," paliwanag pa nito.
"Nung mabasa ko 'yung inbox ko sa e-mail, nag-reply lang ako. Pero, wala akong ibang ginawa. Si Jeremy na lang ang ta-nungin n'yo kung bakit si-ya nag-e-mail sa akin. Basta malinis ang konsensiya ko.
"Hindi ako makikipaglandian sa e-mail. I even adviced him to pray at ayusin ang kanilang problema," pagdidiin ni Toni.
Nang tanungin ang ak-tres kung totoo bang nan-liligaw sa kanya si Jeremy ay naging very safe ang kanyang sagot.
"Naku, siya na lang ang tanungin ninyo kung ano 'yung laman ng e-mail niya… For me, magkaibi-gan lang kaming dalawa. Nagkasama kami noon sa isang segment ng S-Files with Teri Onor at do'n nag-start 'yung friendship namin. Ayoko naman na isipin niya na porke magkaiba na kami ng network, eh, nakalimutan ko na siya kaya sumagot ako sa e-mail niya.
"Wala akong ginagawang masama. Hindi ko sinira ang kanilang relas-yon," pagdidiin pa niya.
Ano ang message ni Toni kay Alessandra?
"E-mail ko na lang sa inyo," pabiro niyang sabi. "No, wala akong mensahe kasi as I've said, I don't wanna be involved sa gu-lo nila," wika pa niya.
* * *
SAMANTALA, may hirit din si Alessandra sa pagpapainterbyu ni Toni tungkol sa isyu.
"Ang linis niya!" makahulugan nitong pahayag saS-Files after ng interbyu kay Toni sa The Buzz.
"Masyado na talaga akong natsi-cheapan sa isyu. Ayoko ring umiyak kasi ang cheap na talaga ng dating. Masyado nang lumala. Marami nang nagagalit sa akin. Ayoko ng ganu'n.
"Ang sa akin lang, kung hindi siya nagsumbong ng kung anu-ano kay Jeremy, wala sanang ganitong problema. Nainis din lang ako kay Jeremy ka-si sa halip na ako 'yung protektahan niya, eh, yung nag-e-mail sa kanya ang pinoprotektahan niya," diredi-retso niyang pahayag.
"Pero in fairness kay Toni, pinag-sabihan pa ni-ya si Jeremy na ayusin 'yung problema na-min at mag-pray. Pero, me-ron pa siyang mga in-e-mail na ikinagalit sa akin ni Je-remy. Ayoko na lang mag-elaborate pa," makahulugan pa nitong pahayag.
Samantala, wala na-mang comment si Joey Marquez tungkol sa isyung kinasasangkutan ng kanyang anak. Dedma lang ito. Ma-ging si Jeremy ay ayaw magsalita. Ang pakiusap lang niya, huwag idamay si Toni sa isyu dahil wala raw itong alam at labas na ito sa problema nila ni Alessandra.
Love This BlogPost? Hate It Even More? Leave Your Raves, Rants and Messages Here:
|
ShowBuzz Archives
View Archives for February 2007
View Archives for January 2007
View Archives for December 2006
View Archives for November 2006
View Archives for October 2006
View Archives for September 2006
View Archives for "August 2006"
View Archives for "July 2006"
View Archives for "June 2006"
View Archives for "April 2006"
ShowBuzz Categories
Did not find the stories and/or pictures you're looking for? Find it using the ShowBuzz Categories!
View Category "Advertising World"
View Category "All About Movies"
View Category "ASAP"
View Category "Bituing Walang Ningning"
View Category "Captain Barbell"
View Category "Cartoons Fever"
View Category "Celebrity Focus"
View Category "Celebrity Pairs"
View Category "Celebrity Pictures"
View Category "Fashion Shows"
View Category "Hunks Galore"
View Category "I Love Bench"
View Category "I Luv NY"
View Category "International Scene"
View Category "Majika"
View Category "My Music Station"
View Category "Philippine Idol"
View Category "Pinoy Big Brother"
View Category "Pinoy Dream Academy"
View Category "Sa Piling Mo"
View Category "Sexy Babes Parade '07"
View Category "Sexy Babes Parade '06"
View Category "Sports World"
View Category "Television Addict"
View Category "Television Ratings"
View Category "U Can Dance"



