BlogSite Posting: May 21, 2006
Romansang Fred at Nina by Nitz Miralles
Source: Ang Pilipino STAR Ngayon
Natuloy pala sa totohanang relasyon ang sweetness ng housemates ng Pinoy Big Brother Teen Edition na sina Nina Atienza at Fred Payawan noong nasa Bahay ni Kuya pa sila. Ang kwento sa amin, matiyagang hinintay ng binata ang dalaga sa lobby ng Rembrandt Hotel na dumating mula sa isang show sa Nueva Ecija.
Casual lang daw ang suot ni Fred at tahimik na naka-upo nang wala pa si Nina. Nang dumating ang dalaga, para itong nakakita ng regalo sa tuwa. Nakita ring nag-lips-to-lips ang dalawa pero, smack lang at ilang seconds lang at ‘di puwedeng sabihing nag-PDA sila.
Siguro naman, hindi magdi-deny sina Fred at Nina ‘pag tinanong sa kanilang relasyon. Kaya lang, matagal pa silang makakaharap ng press dahil ang sabi sa amin, huhustuhing sampu ang evictees bago humarap sa presscon.




