BlogSite Posting: June 2, 2006


Piolo, Dedma sa Pagkaka-link kay Sam


SOURCE: Abante Tonite Article Written by: Allan Diones

Buti na lang at naimbitahan kami ni Tito Mario Hernando na manood ng premiere ng short film na Kagat ng Dilim kamakalawa nang gabi sa MyCinema, Greenbelt 3 at na-ambush interview namin doon si Piolo Pascual.

Si Piolo ang bida sa nasabing 15-minute film na sinulat at dinirehe ng kapatid ni Tito Mario na si Cesar Hernando. First short film ito ni Piolo at unang sabak niya sa indie cinema.

"I wanted to do something different. And at the same time, ito na 'yung evolution ng filmmaking, eh. I think it's about time that I do something like this," umpisang pahayag ng ever guwapong si Piolo.

"When it was offered to me, I didn't think twice. Because it's with Direk Cesar Hernando and it was a nice script. He wanted to tackle something more nationalistic in a sense. Mga Huk guerilla kami rito, set in the 1950's.

"We shot it for 3 days lang pero it took more than six months bago sila nakakuha ng sked. Nahiya ako kina Direk Cesar dahil na-delay ito nang na-delay dahil sa schedule ko. Natapos namin siya early part of this year and when they showed me the finished product, I felt proud sa ginawa namin.

"Ang daling gawin nito dahil short film lang. It was more of a personal choice for me that's why I wanted to do it. Para hindi 'yung lagi ka na lang nakakahon na puro commercial stuff ang ginagawa mo.

"As an actor, lahat naman hungry for something different, eh. Even Star Cinema, medyo hirap gumawa ng hindi commercial na movie kasi, you have to think of the box-office. So, medyo ito na 'yung outlet ko, kumbaga.

"I think it's also my responsibility na makatulong sa mga gustong makapasok sa industriya natin. So, if I have the time to do it for people who have the talent and the determination, I'll do it," sey pa ni Piolo.

Pagkatapos nito ay may ginagawa rin daw siyang isang full-length digital film. Baguhan din daw ang direktor ng nasabing independent digifilm na sikreto pa raw kaya ayaw niya munang sabihin ang titulo.

Itong Kagat ng Dilim ang unang pelikula (kahit short film lang) na pinagsamahan ni Piolo at ng matalik niyang kaibigan na si Yul Servo.

"Kaibigan kasi si Nieto (tawag niya kay Yul, na John Marvin Nieto ang tunay na pangalan) ni Direk Cesar at mga stage actors ang kasama namin dito.

"Pero syempre, binigyan na naman ng ibang kulay. Wala tayong magagawa, ganyan talaga, eh!" pakli niya.

Kumusta ang pagsasama nila ni Yul sa movie?

"Sandaling eksena lang kami magkasama rito. Tawanan lang kami nang tawanan habang nagsu-shoot. Kasi, nahulug-hulog siya sa tubig! Nakatatawa!

"Ang saya ng shooting namin kasi, ang gaan, eh! Walang pressure at saka tulungan kaming lahat. Pero alam natin na ginagawan na naman ng tsismis, so wala tayong magagawa," dayalog niya pa.

Kumusta naman sila ng nali-link sa kanyang si Rica Peralejo?

"Okey naman kami! Ha! Ha! Ha! Ayoko nang magbigay ng ibang reaksyon, mahirap na, eh! He! He! He!"

May nagaganap na bang ligawan?

"Magkaibigan naman kami ni Rica, eh! But other than that, siguro it's too early to tell. It's too early to even describe what we have. Let's put it this way, we're really friends and kung saan man hahantong 'yon, hindi natin alam…"

So, nililigawan ba niya si Rica?

"Ahmm… may intention kung sa may intention. Pero huwag nating madaliin ang mga bagay. Basta, we enjoy each other's company. So, ganu'n lang muna. Ha! Ha! Ha!"

Bakit ba parang bigla siyang nagkaroon ng attraction kay Rica samantalang noon ay wala namang gano'n? Ano bang nagustuhan niya kay Rica?

"Siguro, 'yung her being honest at 'yung pagiging totoong tao niya. Napakabait niya, wala siyang inhibitions sa katawan, wala siyang kashowbisan. So, 'yun ang nagustuhan ko sa kanya. Napakabait niya, hindi siya 'yung tipo ng taong nagpapaimportante. Ang sarap niyang kasama!"

Totoo bang 'nagpaalam' pa siya sa ex-boyfriend ni Rica na si Bernard Palanca na liligawan niya ang dalaga?

"Yeah! Ha! Ha! Ha!

"Alam mo naman ako, dire-diretso akong sumagot, eh! Pagagalitan na naman ako nito! Ha! Ha! Ha!" tawa niya.

Ano namang isinagot sa kanya ni Bernard?

"Okey lang, okey lang naman. Nagkakaintindhan naman kami ni BJ, eh!"

Nadebelop ba sila ni Rica sa soap opera nila with Juday?

"Oo, sa Sa Piling Mo! Ha! Ha! Ha! Ha!"

Sa Miyerkules ang lipad ni Piolo pa-Europe para dumalo sa mga TFC events doon kasama sina Rica at Pokwang.

Isang buwan siyang mawawala at bale two weeks work at two weeks vacation daw 'yon.

Makakasama niya si Rica sa European tour na birthday gift niya sa kanyang Mommy Amelia. Boto ang madir ni Piolo kay Rica at ngumiti lang siya sa tanong kung pagbalik ba nila mula Europa ay sila na.

Eh, ano namang reaksyon niya sa pagli-link sa kanya ngayon kay Sam Milby?

"Wala. He! He! He! Wala akong reaksyon. Kasi, ganu'n naman talaga, eh! Actually, bago pa kami umalis para sa show namin sa States (na kasama rin si Rica), sinabihan ko na si Sam na, 'Bro, i-expect mo nang iintrigahin tayo pagbalik natin!'

"Lagi namang ganu'n, eh! Sanay na ako. Given na 'yun!" huling dayalog sa amin ni Piolo Pascual.