BlogSite Posting: April 26, 2006


Teenage Love: Mikee and Kim


Last night mga 1130 pm, nagrereview sila Kim, Mikee, Fred, Mikki and Aldred sa may kitchen para dun sa task na mememorize nila ang mga favorites ng bawat housemates. Sina Kim and Mikee ang magkapartner. Hanggng sa nauwi na yung review nila Kim at Mikee sa kwentuhan. Nagkwentuhan sila tungkol sa auditions and everything. Tapos yung VTR nila nung launching (kasi nga diba sila ang sabay na pumasok). Habang lumalalim ang kwentuhan nila, biglang nag-comment si Mikki "Mikee ikaw ha, masyado kang naka-focus kay Kim," then Mikee just laughed.

Kim didn't hear what Mikki just said and she asked Mikee what was it daw. But Mikee hesitated to tell her what it is, parang pakipot pa. Ayaw ipaalam na sobrang gusto niya talagang makausap si Kim ng one-on-one. Alam mo 'yung bonding moment. Pero sinabi rin niya.

Tapos nung pinapasok na sila sa mga rooms nila, nagkwentuhan ang mga girls ng kilig moments with crushes. Tinanong ni Olyn si Kim kung ano nangyari sa kanila ni Mikee during the night. Sabi ni Kim, ayon at nagkwentuhan daw sila--one-on-one. Super kilig yung mga girls. Then, follow up question ni Olyn "Sigurado ka na sa feelings mo? Ano, gusto mo na ba talaga?" Sagot ni Kim "Uhmm..." nag-iisip pa. Nang kinulit na sya nung ibang girls, sabi nya " OO crush ko sya... gusto ko sya, pero hnggang dun na lang yun."