BlogSite Posting: June 8, 2006


Gerald, Dating Back-up Dancer ni Joross


SOURCE: The Journal Group Article Written by: Nel Alejandrino

EIGHT months na palang nasa Maynila si Gerald Anderson bago nag-decide to join the Pinoy Big Brother Teen Edition (PBBTE) audition. All the while, sa apartment ng discoverer and talent manager na si Jun Reyes siya nakatira.

Actually, dalawa silang talents cum boarders ni Jun, and for a time, they served as back-up dancers ni Joross Gamboa, another talent ni Jun, sa TV o shows sa probinsiya.

Nang ma-discover ni Jun si Gerald sa isang show ni Joross sa General Santos City (GenSan), he was scheduled to leave for the US in three monthsÆ time. Gerald's dad is an American educator, na dating nagta-trabaho sa Subic Bay. Kaya, doon ipinanganak si Gerald in 1991.

Before joining showbiz, nabibilang sa daliri ang kilalang artista ng binata. Familiar names sa kanya sina Piolo (Pascual), Jericho (Rosales) at Bea (Alonzo).

Eh, si Joross, kilala niya, tanong namin.

"Hindi," sagot niya. Pero, 'yung mga kaibigang kasama niyang nanood ng show, kilala siya si Joross.

"Pagkatapos ng show, nagkayayaan kaming pumunta sa backstage para magpakuha ng retrato. Actually, ala-suwerte ang balak namin dahil wala naman kaming kakilala sa production.

"Kaso," patuloy ni Gerald. "Bago kami makapasok, nag-develop ng cold feet ang mga kasama ko. Kaya ako na lang ang pumasok. Ang alam ko, si Joross ang nagsabi kay Jun na alukin akong mag-artista."

Happy ba naman siya sa nangyayari sa kanya ngayon?

"Yes, I am. And I now want to make the most out of my stay in showbiz," patuloy pa ni Gerald.

THIS early, ayaw magplano ni Gerald ng tungkol sa career. He is leaving his future in the biz kay Jun at sa Star Magic, kung saan bilang PBBTE housemate, may pinirmahan siyang kontrata na may kinalaman sa kanyang career. Basta he will just do his best daw.

After all, if he fails "which is unlikely" he can always go back to his studies.

KUNG kami ang parents ni Mikee Lee, we'll encourage him to just concentrate on his studies rather than involve himself in a showbiz. 'Di dahil wala siyang K, good-looking naman siya compared sa ibang nanalo sa ilang reality shows na nagbibida na sa TV shows ngayon. Pero para bang nakapanghihinayang na ang isang matalinong batang tulad niya'y masa-sideline ang pag-aaral dahil lang sa ibang bagay.

We see a bright future for Mikee in the corporate world. O siguro sa politics.

Did we hear it right na isa sa crushes ni Mikee sa showbiz ay si Maja Salvador?