BlogSite Posting: June 1, 2006


Fred Payawan at Lovi Poe: Sila Na?!?


SOURCE: Pilipino Star Ngayon Article Written by: Salve de Asis

Closed pala kay Fred Payawan ng Pinoy Big Brother Teen Edition si Lovi Poe. Nang tanungin namin kung 'sila na,' ang tagal bago nakapag-react ni Fred.

Matagal nang alam ni Fred na anak ni the late Fernando Poe Jr. si Lovi. Grade school pa lang daw. Magka-klase kasi ang dalawa sa Colegio de San Agustin.

Colonel sa Philippine Air Force ang kanyang father pero never siyang nag-isip na sundan ang kapalaran ng kanyang ama. Mas gusto niyang magkaroon ng sariling negosyo. Entrepreneurship ang iniisip niyang kuning kurso sa susunod na taon sa kolehiyo.

Incoming fourth year siya ngayong pasukan at wala siyang planong tumigil ng schooling kahit naka-contract siya ngayon sa Star Magic after niyang lumabas sa Bahay ni Kuya ng Pinoy Big Brother Teen Edition.

At believe it or not, pero hindi pa raw siya nagkaka-girlfriend, MU lang daw madalas.

Ganun!

Anyway, parang hindi sila comfortable ni Niņa Jose, na kapwa niya PBB Teen na sinasabing ka-MU niya.

Hinulaan ni Tita Ethel Ramos na malayo ang mararating ni Fred.

Actually, very Jericho Rosales ang dating niya. Mas matangkad pa. Puwede rin siyang endorser ng Close Up dahil parating naka-ready ang kanyang smile.

Marami namang impressed kay Niņa. Wala pang inhibitions ang bagets at honest siya na hindi na sila masyadong rich kaya malaking tulong ang talent fee na tinatanggap niya everytime na may guestings siya.

Graduate na siya ng high school. Hindi pa siya nakaka-enroll ng kolehiyo at sakaling makahabol siya ngayong school opening, European studies ang kukunin niya. "Gusto ko kasing mag-travel sa Europe."

Nag-apologize si Jamilla ng PBBTE sa pamilya ng naging 'papa' niya noon. Split na sila ng nasabing guy na tatlong buwan din silang sinustentuhan mag-ina. Marami nang nagsulat tungkol sa issue so I'm sure by this time, alam n'yo na ang buhay ni Jamilla.

Nag-complain kasi sa isang broadsheet writer ang wife ng kanyang naging 'papa' tungkol sa relasyon ng kanyang asawa at ni Jamilla.

Three months lang ang itinagal ng kanilang relasyon nang hindi naman mako-consider na DOM na guy dahil nasa 30s pa lang ang edad nito.