BlogSite Posting: June 1, 2006


Brenda Noquillo, Unwanted Child


SOURCE: The Journal Group Article Written by Dennis Aguilar

SI Brenda Noquillo ang pinakahuling nakapasok sa Pinoy Big Brother Teen Edition. She is the 14th housemate sa Bahay ni Kuya kung saan nanatili siya for two weeks. Na-evict siya kasabay ang housemate din na si Jamilla Natalie Obispo, ang tinaguriang Teenage Mom of the Big Brother house. Brenda was replaced by Bam Romana, who was forced evicted later.

Bago lang si Brenda, pero she was instantly loved by her fellow housemates. She was one of the housemates who made the operation of Jamilla's kid possible. Sa bahay ni Kuya, pinatunayan ni Brenda na isa siyang mabuti at maaasahang kaibigan.

Noong nasa Bahay ni Kuya pa si Brenda, marami ang bumilib sa kanya sa kakaiba niyang ta-lent, she has psychic abi-lities. Lahat ng housemates niya ay nahulaan niya nang tama — past, present and future ng mga ito.

Honestly, kami nga mismong viewers ng PBBTE ay humanga rin sa panghuhula ni Brenda. Kung puwede nga lang hiramin siya kay Big Brother ay hiniling na namin para kami naman ang magpahula. Pero, nang minsang ipatawag daw ni Big Brother si Brenda sa 'confession room,' napansin niyang malungkot ito. So, inusisa siya ni Kuya.

At kuwento sa amin ni Brenda sa panayam namin: "Nagi-guilty na po ako, Big Brother, sa aking ginagawang panghuhula. Lahat kasi ng housemates ko ay humahanga sa akin dahil puro tama ang hula ko sa kanila. Okey lang po sana kung totoo akong manghuhula, eh hindi naman. Sana po, Big Brother, 'wag n'yo nang ipagawa ulit sa akin ang panghuhula. Nahihiya na po ako sa sarili ko," pa-kiusap daw ni Brenda kay Kuya.

Isa lang pala iyon sa major tasks ni Brenda ang panghuhulang iyon. Ilang minuto pa lamang siyang nakapapasok sa Bahay ni Kuya nang ipatawag siya sa 'confession room' at pinagawa na agad ng task, ang panghuhula nga. Ibinigay ni Kuya kay Brenda ang resume ng kanyang housemates at pinag-aralan niya 'yun.

"Mabuti na lang po at agad kong naisaulo ang lahat ng mga nakasulat sa kanilang bio-data, kaya nang hulaan ko sila, bumilib sila sa akin dahil bakit daw alam ko ang tungkol sa buhay nila," pagkukuwento sa amin ni Brenda sa interbyu namin kasama ang iba pang housemate evictees.

Inamin din sa amin ni Brenda na malungkot ang kanyang kabataan. Noong 6- year-old pa lamang daw siya, nagtataka siya kung bakit iba ang apelyido niya sa dalawa niyang kapatid na lalaki. Noquillo ang kanyang surname samantalang Fox ang kanyang brothers. Nang dose-anyos na siya, noon lang daw niya naunawaan kung bakit ganu'n. Ang kinikilala pala niyang ama ay kanyang step-father. At ang tunay daw niyang daddy ay isang Amerikanong sundalo at hindi niya alam kung buhay pa o patay na.

At may revelation pang masakit si Brenda. Kuwento mismo ng kanyang mother, gusto raw noon ng kanyang biological father na ipa-abort siya, pero hindi pumayag ang kanyang ina.

"Nagtago raw si mommy noon kay daddy para ituloy lang ang pagbubuntis sa akin. Ngayon, heto na ako, 16 years old, at lumaking malapit sa Diyos. Although unwanted child ako ng father ko, hindi ako nagdaramdam sa kanya. Siguradong may ma-bigat siyang dahilan kung bakit niya naisip na ipa-abort ako. Saan man siya naroroon ngayon, nagpapasalamat pa rin ako sa kanya dahil siya ang ama ko," wika pa ni Brenda na ang pangalan ay isinunod sa kanyang father — Brent Nolan. Ang Noquillo ay family name ng kanyang mother.