BlogSite Posting: May 5, 2006
Bad Trip Day for Nina
Mukhang bad trip ang Sosy ng Makati. Sa umaga, gusto na itong maglaba, pero dahil hindi marunong (at wala siyang timba para sa tubig), kantiyaw ang inabot nito from Jam, Clare at Olyn.

Nang binigyan na sila ng Dance Marathon Task ni Kuya. Mas lalong itong na-bad trip dahil sa mga costumes na dapat ay kanilang isusuot. May appearance problem si Nina at ayaw niyang ipakita ang kanyang mga braso dahil feeling niya ay matataba ang mga ito. Kaya hayun at nag-jajacket ito ng black kahit pang-flamenco ang costume nito.

Kinalaunan, nang kailangan na niyang magpalit for the belly dancing costume, mas lalo pa itong naging conscious sa sarili dahil labas ang kanyang mga belly.

Dahil sa pangyayaring ito, sobra ang pagiging mali-mali ni Nina. Wala ito sa kanyang sarili para makapag-concentrate sa mga dapat gawin niya.




