BlogSite Posting: June 15, 2006


PBB Winners, Napaka-Predictable


SOURCE: The Journal Group Article Written by: Nel Alejandrino

Sobrang bongga ang nakaraang The Big Reunion ng mga Pinoy Big Brother (PBB) housemate, na ginanap sa Aliw Theater last Sunday.

Talagang the audience were given the chance na makita up close and personal ang mga dati'y pinanonood lang nila sa television.

All of them proved they have what it takes, especially the Big Winners, tulad ni Nene Tamayo at ang teenager na si Kim Chiu.

Sayang at wala si Keanna Reeves, winner of the PBB Celebrity Edition, dahil nasa Bohol siya for a personal appearance.

Ang gaganda nilang tingnan on stage, lalo na ang teen housemates, who horsed around after the finale. Kaiba talaga ang exuberance ng mga kabataan. Obvious na para sa kanila, ang pamamalagi sa Bahay ni Kuya ng 42 days was an exciting experience to remember.

Sabi nga ni Clare Cabiguin, fourth runner-up, "Naranasan ko ang maraming 'una' sa buhay ko dahil sa PBB. Nakapunta ako ng Maynila (she's from Bukidnon) for the first time. Nakatapak ako sa malaking building (primarily ABS-CBN) at nakapunta ng Hundred Islands. "Napanood din ako sa television at higit sa lahat, nagkaroon ng maraming kaibigang iti-treasure ko habang buhay.

* * *

ONE thing we noticed sa PBB, may pagka-predictable kung sino ang mag-i-emerge na winner.

From the original PBB, marami ang nag-root for Nene dahil sa kakaibang toughness at paninindigan. Siya rin ang least na nakakuha ng nomination for eviction.

By the way, sa question and answer portion na isinagawa sa tulong ng inimbitang movie reporters sa The Big Reunion, inamin na nina Nene at Bob dela Cruz that they are more than friends.

See, romance blooms sa Bahay ni Kuya!

* * *

Keanna also had a number of followers herself sa start pa lang ng PBB Celebrity Edition.

Naging honest to a fault din naman kasi siya tungkol sa kanyang nakaraan. Naging epektibo ang paglilitanya niyang nais makapiling ang mga anak at magkakaroon lamang ito ng katuparan 'pag nanalo siya sa PBBCE.

Ang friendship niya with Rustom Padilla was another factor kung bakit na-impress ang mga nanonood ng PBB kay Keanna.

Ang sympathy at pang-unawa na ipinadama niya kay Rustom nang mangumpisal ito tungkol sa gender ay worthy of an acting award.

Bagama't duda kaming "umaarte" si Keanna nang mga oras na iyon, 'di pa naman siya gaanong magaling umarte, 'di ba?

* * *

Maging ang fellow teen housemates niya appeared "sold" to the idea na si Kim ang mananalo nu'ng umpisa pa lang ng PBBTE.

Sa interviews we conducted with the PBBTE evictees, most of them wanted Kim to win.

We repeatedly asked them why.

"She deserves it," sabi ng teenage mom na si Jamilla. "Bukod sa pagkanta, marami pa siyang ibang talents."

"I like her to win," sabi naman ni Fred. "Like Jamilla said, Kim deserves to win."

Mario Bautista, fellow movie writer-columnist and critic, said Kim's innocence impresses him.

Sana raw, she maintains that innocence for long.

Bihira na kasi tayong makakita sa showbiz ng mga kasing-edad ni Kim na inosenteng-inosente ang dating. Perhaps everybody will agree that she's a refreshing sight.