BlogSite Posting: June 1, 2006


PBB Ngayon, Bb. Pilipinas Next Year!


SOURCE: Pilipino Star Ngayon Article Written by: Veronica R. Samio

Marami ang na-disappoint nang ma-evict si Mary Clare "Nina" Jose matapos ang dalawang linggo at 13 araw na pagtigil sa Bahay ni Kuya, sa Pinoy Big Brother Teen Edition.

Isa sa hinulaang malakas na kandidato among the 14 housemates ang sosing jologs na dati raw ay nangangahulugan ng pagiging totoo sa sarili pero, ngayon daw ay baduy na ang ibig sabihin nito.

Sumali siya sa PBB dahil gusto niyang makatulong sa kanyang pamilya. "Akala ng marami, may kaya kami pero, hindi. May business ang dad ko pero, mahina ngayon. Wala namang job ang mom ko.

"May gusto rin akong patunayan sa sarili ko. Maski pamilya ko't mga kaibigan ang akala ay wala akong silbi, na wala akong ginagawa sa bahay but this is only because favorite ako ng lolo ko, I'm treated like a princess," sabi niya.

Maswerte si Nina dahil after her eviction, madalas siyang napapanood mag-guest sa mga shows ng Kapamilya Network. She was seen in Homeboy, ASAP at nakagawa pa siya ng commercial for Globe.

Bagaman at mayro'n siyang tinanggap na scholarship para sa STI, scholar siya ng Enderun School kung saan balak niyang kumuha ng business course. Mag-a-apply din siya sa La Salle for a course in European Studies.

Next year, 18 na siya at buo na sa isip niya ang sumali sa Bb. Pilipinas. Taglay naman niya ang mga requirement para maging isang candidate– mataas , 5'8", maganda at articulate.

Wala siyang commitment at the moment. Nakipag-break siya sa boyfriend niya dahil may nagustuhan siyang ibang guy.

"Naging honest ako sa kanya pero, di niya tinanggap ng maganda ang pakikipag-break ko sa kanya. Instead he got mad and became bitter," anang teener na maraming housemates ang nagkaka-gusto.