BlogSite Posting: Archive Created -> April 21, 2006 (10:00 PM PhilTime)

All you need to know about Pinoy Big Brother Celebrity Edition! This archive is for all Post PBBCE Coverage of events and postings.

Zanjoe-Bianca-Lino-Nicola-Diana

April 6, 2006 (1:30 AM PhilTime)

I have been checking and analyzing the search engine queries that have been entering my blogsite at pawang Zanjoe-Bianca-Lino-Nicola-Diana ang pumapasok. Grabe ang interest ng mga tao sa kanila. Because of that, allow me to highlight some my posts about Direk Lino, Nicola Espina and Diana van Walsum. I have been one of the firsts in the blogging world to show pictures of Direk Lino, Nicola Espina and Diana van Walsum as their names or identities are mentioned inside PBBCE. You may click on the links to read the blog entry of the said pictures.

Sino si Nicola sa Buhay ni Zanjoe? - Blog Entry for March 29, 2006 (6:00 PM PhilTime)

EXCLUSIVE: This is Lino Cayetano, Bianca's Boyfriend! - Blog Entry for March 01, 2006 (9:00 PM PhilTime)

EXCLUSIVE: Ang Ex-Girlfriend ni Lino Cayetano, Bianca's Boyfriend! - Blog Entry for March 01, 2006 (2:30 PM PhilTime)

Big Brother sa Thailand

April 5, 2006 (10:30 PM PhilTime)

I have been to Thailand two weeks ago, at kaparehas dito sa Pilipinas, maingay din ang Big Brother doon. Through text votes din ang kanilang eviction process. The episode I saw was an eviction night at marami ring tao sa labas ng bahay ni Kuya para makita ang latest evictee. Sa mga susunod na araw, I will feature some stories about Big Brother sa buong mundo. These are just fillers while we all await for the next edition of PBB here in the Philippines. For now, heto ang wall paper ng mga housemates sa Big Brother Thailand.

Iba't Ibang Press Coverage ng PBBCE

April 4, 2006 (10:30 PM PhilTime)

Sikat talaga ang Pinoy Big Brother! Grabe kasi ang press coverage nito from various papers and tabloids. Here are some of the many write-ups about PBBCE.

We're Fixing Things - Bianca

Papuntang Studio 23 si Bianca Gonzales nang makasalubong namin nu'ng Lunes ng gabi.

One Big Lesson on Survival

Would you want to become a Pinoy Big Brother housemate? Easy to answer on the surface but think again! Every single move is captured by a camera 24 hours. How's that for a life? Last week, I asked three former housemates, Gretchen Malalad, Aleck Bovick and Roxanne Barcelo what they thought about the Confession Room. It's weird, said Gege, Gretchen's nickname. "Ibang klase," chorused Aleck and Roxanne. Indeed, there is something weird inside that Confession Room. We've seen housemates, however brave, tough and strong breakdown unabashedly like innocent toddlers whose toys have been taken away.

Kung si John Prats ang Nanalo sa PBB, Ibibigay Niya ang Condo kay Keanna!

Hindi naman pala nakapagtataka kung manalo si Keanna Reeves sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition at kasabay nito ay makuha niya ang P1M, isang condo unit, appliance showcase at mga computers na aniya ay ayaw muna niyang makita dahil inilalaan niya ito para sa kanyang mga anak, sina IJ, 17 years old at Troy, 7 taong gulang. "Baka kapag nakita ko ang mga ito ay magbago pa ako at maging materyoso, kaya ayaw ko munang makita ang mga ito," sabi niya sa isang napakasayang interview matapos siyang manalo sa PBB.

'Papa' Bibigyan ng Kotse ni Keanna

MGA kuwentong Keanna tayo, courtesy mismo ni Keanna Reeves, Pinoy Big Brother Celebrity Edition (PBBCE) top winner.

Keanna Reeves, May Pagnanasa Pa Rin kay John Pratts?

MILYONARYA na nga si Keanna Reeves. Aba, hindi biro ang premyo na nakuha niya sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition, na kung saan ay siya nga ang tinanghal na winner.

NBI, May Kinalaman sa Paglabas ni Rustom sa Bahay ni Kuya?

May bagong version ang voluntary exit ni Rustom Padilla sa Bahay ni Kuya.

Life has changed big time for PBB's Big Four

"REBORN" is how the former starlet Keanna Reeves describes herself after 58 days of captivity at the nation's popular address, the Pinoy Big Brother house on Eugenio Lopez Jr. Street in Quezon City. As The Manila Times reported on Monday, the 37-year-old mother of two is the "last housemate standing" among the original 14-celebrity contenders of the ABS-CBN reality show.

Bianca and Zanjoe on Y-Speak!

April 3, 2006 (8:20 PM PhilTime)

Sa kanilang first guesting together, naging panauhin ang loveteam ng bahay--sina Bianca at Zanjoe--sa Y-Speak! Naging panauhin din si Boy Abunda upang ipaliwanag sa audience kung paano nito nakumbinse ang dalaga para pumasok sa bahay. Ang sabi pa niya ay nahirapan siya para mapa-oo si Bianca, even to the point na the day before the Welcome Night, ayaw pa rin ni Bianca na pumasok.

What is the difference of your friendship with Bianca? Zanjoe replied na alam nilang dalawa kung ano yun. Mahirap daw i-explain. Basta't alam daw nilang dalawa kung ano yun. It's more than friendship but less than lovers.

John, Big Winner sa Puso ni Nancy

April 2, 2006 (8:20 PM PhilTime)

Naikwento ni John kay Cristy Fermin sa interview nito sa The Buzz na before siya pumasok sa bahay ni Kuya, he left seven love letters for Nancy sa kanyang road manager. Every Friday daw pinapabigay ni John kay Nancy ang love letter. Ang letters ay parang assurance ni John kay Nancy even if wala ito sa outside world--a reminder of his love for her.

Nagulat si John dahil nasa studio pala si Nancy kaya nang pumasok ang dalaga sa stage ay todo yakap ang binata dito. Sa bandang huli, nang kunan na silang dalawa ng messages para sa isa't isa ay nagka-holding hands na silang dalawa. John to Nancy: Sobrang na-miss kita. Nancy to John: Ako rin, sobrang na-miss kita.

Pamilya Marudo Aprub kay Bianca

April 2, 2006 (8:20 PM PhilTime)

Zanjoe's Father is in New Jersey, USA. In a phone patch interview, he said that he is the number one fan of Zanjoe. Zanjoe, on the other hand credited his father for all the support and guidance despite the distance.

When asked by Kris kung boto ba ang ama at ina kay Bianca Gonzales na maging manugang, both succintly said na botong-boto!

Keanna, Akala na May Gusto sa Kanya si Rustom

April 2, 2006 (8:20 PM PhilTime)

Masayang ibinahagi ni Keanna kay Kris, Cristy at Boy sa The Buzz ang pagnanasa nito para kay Rustom. Sinabi nito na minsan daw ay sinabihan niya si Rustom na pwede nitong gamitin ang katawan niya (Keanna). Sinabi raw ni Rustom na huwag na siyang i-confuse pa.

Sa tanong ni Boy kung ano ang iniisip nito bago pa man i-reveal ni Rustom sa kanya ang totoong pagkatao nito, sinabi ni Keanna na akala niya na ang ipagtatapat ni Rustom sa kanya ay ang pagkagusto nito sa kanya. Yon pala, iba (at ito na nga ay ang totoong pagkatao nito).

Bianca's Updates sa The Buzz

April 2, 2006 (8:20 PM PhilTime)

Sa kanyang questing matapos lumabas ng bahay ni Kuya, na-ishare ni Bianca kay Boy Abunda, ang kanyang manager na nahirapan siya sa pag-nominate kay Rustom noong nasa loob pa sila ng bahay. Nai-kwento din niya na hindi niya alam na naging big deal ang pag-nominate niyang ito kay Rustom. Wala raw bad blood between him and Rustom.

Sa tanong ni Boy kung ano na kanilang relasyon ng kanyang ama, diretsahang sinabi ni Bianca na mas naging better na ito kaysa noong bago pa ito pumasok sa bahay. Ipinaliwanag nito na naging tulay ang kaganapan sa loob ng bahay para slowly ay mapatawad niya ang ama.

Kung nagka-usap na ba sila ni Direk Lino Cayetano, ang boyfriend ni Bianca. Tahasang sinabi ni Bianca na nagkausap na sila, pero hindi pa sila nagkaliwanagan at nagkaintindihan ng husto. According to Bianca, nasaktan ng lubusan hindi lamang si direk kundi ang buong pamilya Cayetano sa mga pinaggagawa ni Bianca sa loob. Ito ang kanilang sine-settle ng dalawa mula ng lumabas siya sa bahay hanggang ngayon.

Bianca: Na-shock ako dahil paglabas ko, nalaman ko ang lahat ng pinagdaanan niya while nasa loob ako. Hindi ko masasabing nagkakaunawaan na kami. Pero I'd like to think na gusto naming maintindihan ang isa't isa. Hindi na-dedeserve ng pamilya niya ang mga judgement ng mga tao sa kanila. Nag-sosorry ako sa kanya dahil ni hindi ko na-dedefend siya, sila while nasa loob ng bahay ako.

Boy: Where there moments in the house na ikaw ay nanghina, na you are falling for him.

Bianca: Importanteng tao si Zanjoe sa akin. From the start alam namin kung saan kami lulugar. Na magkaibigan lang talaga kami.

PBBCE Big Four on ASAP '06

April 2, 2006 (8:20 PM PhilTime)

Nagbigay ng big welcome ang ASAP '06 sa Big Four ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition.

Sumayaw ang Big Four sa kanta ni Budoy at nagkaroon ng konting kwentuhan sa mga nangyari sa loob ng bahay.