BlogSite Posting: Archive Created -> March 15, 2006 (6:00 PM PhilTime)

All you need to know about Pinoy Big Brother Celebrity Edition! This archive is for all Day 36 to Day 40 events and postings.

Roxanne Decides to Leave PBB House

March 17, 2006 (10:30 PM PhilTime)

Nag-desisyon na si Roxanne. Mas pinili nitong makapag-graduate this Saturday kaysa manatili sa loob ng bahay at hindi maka-graduate. With this decision, Roxanne is set to leave the house tonight.

Nang ipaalam ni Roxanne sa mga housemates ang kanyang desisyon, naging madamdamin ang tagpo at lahat ay proud sa desisyong ito ni Roxanne.

Ang Pagiging Alipin ni Zanjoe

March 17, 2006 (2:40 PM PhilTime)

Ipinaalam ni Kuya sa mga housemates na ngayong araw na ito dapat i-perform ni Zanjoe ang kanyang sacrifice. Siya ay magsisilbing alipin sa bahay. Magsusuot sya ng kadena sa paa. Siya ang gagawa ng lahat ng house chores. Hindi sya maaring sumabay sa pagkain ng ibang hausmates. Hindi rin sya pwedeng matulog sa buong araw.

Si Budoy naman ang naatasang maging amo ni aliping Zanjoe. Complete with matching costume and latigo din si Budoy na paring si Berdugong Zorro

Special Task for Zanjoe: Suyuin si Bianca

March 17, 2006 (10:10 AM PhilTime)

Para naman kay Zanjoe, si Bianca ang pinili nito para bigyan ng special moment. Sa pagkakaalam ko, ang special moment na ito ay ang panonood ng movie nilang dalawa.

Zanjoe's way of making Bianca happy was very different from what Rico did. Through his connivance with Big Brother, Zanjoe treated Bianca to a movie date! Big Brother turned his place into a movie house by providing Bianca and Zanjoe movie house seats in front of the TV. He also gave them popcorn so that they could "chill" as they watched "A Walk Remember," Zanjoe's favorite romantic flick. If everything turned out well for Rico and Roxie, it was the exact opposite for Zanjoe and Bianca. the TV screen went black several times especially during the movie's romantic scenes. They also encountered audio problems, which prompted Bianca to say, "Whoa! Don't buy pirated VCDs."

Aside from technical problems, the date almost lost its romantic mood when a housemate decided to stay in the living room area and watch "A Walk to Remember" together with Bianca and Zanjoe!

Special Task for Rico: Handog na Pagmamahal Para kay Roxanne

March 17, 2006 (9:10 AM PhilTime)

Binigyan ni Kuya ng mga special tasks ang mga natitirang nominees for eviction. Pinagpili ni Kuya ang tatlong natira na sina John, Rico at Zanjoe kung sino sa kanilang mga co-housemates ang kanilang pipiliin para handugan ng special moment. Itong si Rico ay natural na pinili si Roxanne. At ang special moment na kanyang naiisip for Roxanne ay ang handugan ito ng isang poem. Sa mga hindi nakakaalam, poem daw ang unang hinandog din ni Rico noong "nanligaw" ito kay Roxanne sometime in their past.

Here are the kilig moments when Rico read the poem for Roxanne at ang reaksyon ni Roxanne.

Rico's Poem for Roxanne: Read the Poem

Rustom to Roxanne: Grow Up Girl... Huwag Mo Laging Idaan sa Iyak!

March 16, 2006 (9:45 PM PhilTime)

Ito ang mga maaanghang na salita na binitiwan ni Rustom for Roxanne. Naiirita kasi si Rustom kay Roxanne dahil hindi ito tumugma sa pinag-usapan ng mga housemates about their shifting para kay Gretchen. Kasi dapat ang bawat isa sa mga housemates ay mag-vigil kay Gretchen habang ginagawa nito ang sakripisyo sa pagiging ballerina for one day.

Ang naging actual shift e si Budoy muna bago nang-lights out tapos si Keanna nung nag-lights out na. Pagkatapos ng shift ni Keanna, sumunod na si Roxanne. Nag-double shift si Roxie para daw kay Bianca (hindi ko alam kung nag-try syang gisingin si Bianca o hindi). Pagkatapos nya, ginising nya si John at nag-double shift din si John. Nung bandang 6 AM, nagising si Bianca at sya naman ang nagbantay kay Gretchen. After ni Bianca, si Rustom naman kaya lang malapit nang mag-wakeup call by that time.

Ito ang ipinuputok ng butse ni Rustom. Di sana'y marami daw siyang dapat isabi kay Gege pero naudlot iyon dahil sa ginawang "katangahan" ni Roxie...umikli daw ang time niya alone with Gretchen.

Pero ako man ay nagtaka dahil hindi lang naman si Roxanne ang nag-double shift, si John Prats din. Pero itong si Rustom, mas piniling ibuhos ang irita nito kay Roxie, bakit kaya?

Rustom Confronts Roxanne: View This Post
Roxanne Seeks Solace from Big Bro, Bianca and Rico: View This Post
Rustom and Roxanne Patch Things: View This Post

Roxanne Faces a Dilemma!

March 16, 2006 (8:40 PM PhilTime)

Roxie is put into a very difficult situation that might make her decide to end her stint in Big Brother's house.

Roxie, who is communication arts student in Miriam College, is scheduled to graduate this Saturday. She badly wants to attend her graduation since she knows that it is a momentous event, which culminates her life as a student.

The divang kolehiya's dilemma is whether to stay or leave the house. Roxie knows that if she voluntarily exits the house and attend her graduation, she will lose her chance to emerge as a big winner. On the other hand, if she decides to stay, she will miss a momentous event in her life. As of the moment, it seems that Roxie is more keen on doing a voluntary exit. Big Brother has asked her to seek the advice of Budoy before she makes her final decision regarding the matter.

Roxy Seeks Tatay Budoy's Counsel: View This Post

Finding a Needle in a Hay Stack

March 16, 2006 (9:45 PM PhilTime)

Isa na namang pambihirang daily task for the housemates. Pinapahanap ni Kuya ang isang karayom sa hay pile. Ang hirap nito! Mahahanap kaya nila ang needle? Parang hindi

Si Zanjoe, Ninam-nam ang Hug with Bianca

March 15, 2006 (11:00 PM PhilTime)

Na-notice ko lang na grabe ang pag-hug ni Zanjoe kay Bianca nang ipinamigay na ni Zanjoe ang kanyang gifts for the housemates. Kasi nga, he is nominated for eviction and can be the person evicted sa bahay ni Kuya!

4th Eviction Night: Gretchen is the 4th Evictee!

March 15, 2006 (10:50 PM PhilTime)

I always had the gut feel that it will be Gretchen. And indeed, siya nga ang nakakuha ng lowest votes at 14.5% of the total votes. Bakit siya ang hindi pinalad na mapili ng mga tao? Kasi malalakas ang kanyang kasabayan at hindi pa masyado nakilala si Gretchen ng mga tao. Iilan lang ba ang exposure niya sa loob ng bahay if i-compare natin kay John, Rico at Zanjoe? Si John, matunog na ang pangalan dahil certified celebrity na ito. Si Rico, all out ang support ng mga taga-RX at ang mga tagasubaybay ng station. At sa pagkakaalam ko, AB ang listeners ng RX kaya di kataka-takang may pera ang mga ito to text some votes for Rico. Si Zanjoe naman, grabe ang exposure niya sa TV these past few days dahil sa Bianca/Zanjoe issue. At sa mga katulad ko na gusto pang makita ang mga kilig moments nila ni Bianca sa loob ng bahay, di maikakaila na boboto kay Zanjoe.

ScreenCaps Gallery of the 4th Eviction Night: View This Post

Sinong Housemate ang Lalayas 2Nite?

March 15, 2006 (7:00 PM PhilTime)

Sino sa apat na housemates ang lalayas tonite? Si Rico ba, si Gretchen, si Zanjoe or si John? Gustuhin pa kaya ng mga tao na makita si Zanjoe kasama si Bianca? Epektibo ba ang sakripisyo nina John at Gretchen? Makikisimpatiya pa kaya ni Rico ang mga tao? Let's just wait and see!

Ano na Naman 'Yan, Bianca and Zanjoe?

March 15, 2006 (6:20 PM PhilTime)

Mukhang nagiging close na nga itong dalawa--sina Zanjoe at Bianca. Mapapatunayan ito sa mga patuloy na pag-walk-a-thon ng dalawa, sabay na pag-toothbrush, sabay na paghugas ng mga plato... at ngayon nga, sabay sa pagtulog! Hmmm... bakit di na totohanin?

Reaksyon ni Carmina Villaroel sa Pag-amin ni Rustom

March 15, 2006 (6:00 PM PhilTime)

Ito ay isang scanned article ni Jun Nardo containing the reaction of Carmina Villaroel sa pag-amin ni Rustom.

Read the Article

Ang Mga Pag-ibig ni John Prats

March 15, 2006 (6:00 PM PhilTime)

Ang pag-ibig nga naman ng kabataan! Heto ang mga naging pag-ibig ni John Prats...

Ano ang Nagagawa ng Pagod sa Tao?

March 15, 2006 (6:00 PM PhilTime)

Kayo nalang ang humusga sa pictures ni Gege. After almost 24 hours of being a ballerina standing on a platform without rest, ito na si Gege ngayon--sobrang pagod!

Ang Bagong Love Team sa Bahay?!?

March 15, 2006 (11:30 AM PhilTime)

Pinagpalit na ba ni Zanjoe si Bianca? Hindi naman siguro, di ba? Ito'y isang task lamang from Kuya--ang pagiging twin o triplet ng mga housemates. Na-tyempuhan lang na si Rustom at Zanjoe ang magkapartner.

Boy Abunda: Hindi Naglandi si Bianca!

March 14, 2006 (11:00 PM PhilTime)

Nang in-interview si Boy Abunda, ang manager ni Bianca ukol sa mga kilos nito sa loob ng bahay, specifically sa mga naging kilos nito when she's with Zanjoe, mariin nitong sinabi na wala siyang nakitang anumang landi dito. Dinagdag pa niya na ganun lang talaga si Bianca sa kanyang mga kaibigan.

Rustom at Keanna Pinagbawalan si John sa Pakikipag-kaibigan kay Zanjoe?!?

March 14, 2006 (10:45 PM PhilTime)

Mariing pinaliwanag ni Rustom at Keanna kay John na dapat itong maging selective sa pakikipag-kaibigan kay Zanjoe. Dapat daw ay mahila ni John si Zanjoe papunta sa core group nilang tatlo at hindi ang paghila ni Zanjoe kay John away from their group. Dapat daw ay makibagay si Zanjoe sa kanilang tatlo at hindi silang tatlo ang makibagay kay Zanjoe.

Gretchen Malalad, The Ballerina

March 14, 2006 (10:30 PM PhilTime)

Para sa sakripisyo ni Gretchen, binigyan siya ni Kuya ng special task--ang maging isang ballerina standing on a platform--sa loob ng 24 hours. Makakaya kaya ni Gege ang task na ito para makapagbigay siya ng mga TV sets sa charity?

Special Task for Keanna: Alamin ang Nasa Loob ng Pudong ni Budoy

March 14, 2006 (10:30 PM PhilTime)

Binigyan ni Kuya si Keanna ng isang special task--ang alamin from Budoy kung ano ang nasa loob ng pudong nito. Game naman si Keanna sa special task na ito, although sinabi nito na lalong bibilib ito sa sarili kung magagawa nga niya ito. If successful si Keanna dito ay ang award niya from Kuya is a trip for her and her children papuntang Hongkong Disneyland.

The New Sofa Set Inside PBB House

March 14, 2006 (10:30 PM PhilTime)

Naging generous si Kuya sa mga housemates kaya binigyan nito sila ng bagong sofa set.

Twins and Triplets Inside the House

March 14, 2006 (2:10 PM PhilTime)

Kakaaliw ang daily task ng mga housemates. It involves being attached to one another in twos or threes kaya para silang twins at triplets.

Ang Bagong Weekly Task: Mag-perya ang mga Housemates

March 14, 2006 (1:30 PM PhilTime)

Isa na namang panibagong weekly task ang dapat i-perform ng mga housemates this Friday. Ito ay ang pagtanghal ng mga perya stunts katulad ng pag-balanse sa unicycle, pag-juggle ng mga bola at ang pag-paikot ng plato sa stick. Makakaya kaya ito ng mga housemates? Nakasalalay ang 50% ng kanilang weekly budget dito!

Si John, Pinagwax ang Katawan

March 13, 2006 (10:15 PM PhilTime)

Nagpa-full body wax si John at ang kapalit nito ay ang pagkakataong makita at makausap ang kanyang pamilya.