BlogSite Posting: Archive Created -> March 12, 2006 (3:30 PM PhilTime)
All you need to know about Pinoy Big Brother Celebrity Edition! This archive is for all Day 31 to Day 35 events and postings.
4th Nomination Night: Apat ang Nominado - John, Rico, Gretchen at Zanjoe
March 12, 2006 (10:20 PM PhilTime)


Kilig Moments: Zanjoe and Bianca Relationship
March 12, 2006 (10:15 PM PhilTime)
Pagkatapos ng Japanese debut party ni Bianca ay nag-inuman ang mga housemates ng sake (Japanese wine). Siguro, na-loosen silang dalawa ni Zanjoe at Bianca, kaya nakapag-usap sila habang nag-walkathon palibot ng pool.
Zanjoe: Na-aawkward-an ka ba sa atin? Bianca: Hindi, actually sobrang happy ako... Sobrang nirerespeto mo ako, at sobrang ina-admire kita sa pag-respect mo sa akin. Ang swerte ko na sobrang hindi ka masamang tao. Na hindi ka nagtatake-advantage. Kaya nga ako naging sobrang comfortable sayo eh. Yun lang. ALam ko na alam niya (Lino) na iniisip ko lagi kung ano yung ginagawa ko at ano yung feelings ko. Alam niya na kaya kong panindigan lahat ang ginagawa ko dito sa loob. Sana walang mangyari na sobrang hindi ko kayang panindigan paglabas ko.
Naitanong naman ni Zanjoe: Excited ka nang makita siya? Excited ka nang lumabas? Bianca answered indirectly by saying: Bago ako pumasok, sabi niya sobrang private lang dapat. Agree naman ako. Iba pala pag dito sa loob, may feeling ka na alone ka. For some reason, may ginawa siya na involved dito sa BB. Nung tinanong ako sa confession, sabi ko masaya ako pero di ko alam kung bakit nag-iba isip niya. Yun ang question ko in my head kung anong nagpabago ng isip niya.
Sa hindi nakaalam, according to Bianca, malaking question mark daw sa kanya ang pag-change ng mind ni Direk Lino at biglang nag-public na ito about them. Then Zanjoe asked her what she thinks the reason kung bakit ganun ang reaksyon ng nasa labas (Zanjoe during this time is smiling na parang alam niya rin ang sagot). My guess, affected si Direk Lino na baka mag-fall si Bianca kay Zanjoe kaya nag-effort ito on Bianca's birthday!
Zanjoe was saying: Ang sakit! Ganyan talaga ang buhay! This was his reaction sa mga nasabi ni Bianca about her boyfriend to Zanjoe's questions about Bianca's feeling after seeing Lino's "Happy Birthday Love" sign with fireworks. Tinanong ni Zanjoe si Bianca kung naiilang ba ito sa kanya. Bianca replied na hindi raw. Nasambit na naman ni Zanjoe na: Ang sakit! Nang tinanong ito ni Bianca kung bakit napasambit ito ng "Ang Sakit!" na naman, in-explain ni Zanjoe na: Kung maiilang ka, parang may 'something' ka para sa akin, pero dahil sinabing mong hindi ka naiilang, then wala kang feelings for me. Sa salitang ito ni Zanjoe, parang tini-test na niya kung meron ba itong chance kay Bianca.

Matulog na sana ang dalawa (3 AM na), pero parang may dapat pa silang pag-usapan kaya lumabas na naman si Zanjoe sa kanyang duyan at sumunod si Bianca. Zanjoe: Ang gulo no... Masaya ka? Bianca responds habang nakayuko: Oo, syempre! Zanjoe: Sino ba iniisip mo? Bianca: Madami, madami.. Zanjoe: Katulad nino? Bianca: Talagang tinatanong mo pa ako niyan ah! Zanjoe: Siyempre, baka kasi di ko kilala eh.. Bianca: Ako, ako, ako lang ang involved.
Then Bianca shares: At least, paglabas ko, madedefend ko yung sarili ko, madedefend kita, at yung taong naghihintay sakin sa labas. Wala ka naman ginagawa sakin na masama. Ayaw kitang masaktan, kasi sobrang mabait ka sakin. Nakakatakot naman ito. Zanjoe: So, masaya ka na? Wala ka na problema? Bianca: Meron parin pero masaya na ako. Zanjoe: Dapat bago ka matulog, mawala na yang problema mo. Bianca: Hindi naman pwede yun. Hindi naman overnight yun naayos. Meron ba ako ginagawa na nagiging uncomfortable ka or naiinis ka? Zanjoe: Isipin ko muna.. Bianca: Ibig sabihin meron? Zanjoe: Wala naman. Ako? Bianca: Sobrang wala. Wala kang ginagawa na masama.
Natapos ang pag-uusap nila Zanjoe at Bianca at around 5:30 AM na. Pero I think worth it para sa dalawa ang pag-o-open nilang ito. Nagyakapan ang dalawa nang magpaalam na sila sa isat-isa para matulog na.
Ano ang tingin n'yo dito? share ur thoughts

Japanese Debut Party ni Bianca
March 12, 2006 (10:15 PM PhilTime)
Matapos ang eksena sa banyo nina Zanjoe at Bianca, nabigyan itong si lalaki ng panibagong lakas sa anumang na-feel nito for Bianca, kaya siya ang nag-escort kay Bianca sa Japanese Debut Party na inihanda ni Kuya for her. Nagbigay din si Zanjoe ng bulaklak at isang matamis na kiss. Pansin ko lang na ibang-iba ang aura nina Zanjoe at Bianca sa mga panahong ito. Parang inspired silang dalawa.
Anyway, nagbigay na nga ang mga housemates ng gifts for Bianca. Ang binigay ni Zanjoe ay isang mug. Nang tanungin ng makukulit na housemates kung bakit mug, ito ang sinagot niya: Para kapag umiinom siya, para na rin niya akong kini-kiss! Grabe na yan pareng Zanjoe, ha...
Pero hindi pa diyan nagtapos ang mga kilig moments. Nang sayawin na ni Zanjoe si Bianca ay sinabi nito sa dalaga na: Sana yung problema mo maayos mo na. Sana maging happy ka na palagi simula ngayon at kahit hindi ko sabihin sa iyo, alam ko naman na nararamdaman mo na nandito lang ako para sa iyo kahit anong mangyari, paglabas natin dito, okay? Sinagot naman ito ni Bianca sa pagsabi na: Sobrang special ka sa akin at sana mapansin ito ng ibang tao! Bianca, paringgan ba si Direk Lino? 
Ano ang tingin n'yo dito? share ur thoughts

Lambingan sa Banyo
March 12, 2006 (10:15 PM PhilTime)
Sa kaarawan ni Bianca, naging usap-usapan ng mga housemates ang feelings ni Zanjoe for Bianca. Nang tanungin ito ni Keanna about his true feelings for Bianca, sinagot ni Zajoe na habang tumatagal ay lalong nadedevelop ang feelings nito para sa dalaga. Zanjoe: Sobrang bait niya kaya hindi malayo na mahuhulog talaga ang loob ko. Pero, if ever may problema si Bianca with her boyfriend, sana ma-solve na dahil sa mga ginawa ng boyfriend niya sa birthday niya.
Na-realize siguro ni Zanjoe na dapat na itong magsimula sa panunuyo kay Bianca kaya nga ay nag-volunteer itong siya na ang maglinis ng banyo. Pero ayaw ni Bianca ito kaya pinayuhan nalang sila ni Rustom na silang dalawa nalang ang maglinis. During their time inside the bathroom, marami silang napag-usapan. Isa na dito ay ang isang situation ni Zanjoe: What if meron akong gustong sabihin sa isang tao na pwedeng makapagbago sa kanyang buhay pero alam ko rin na hindi pwede itong sabihin dahil sa complications na pwedeng mangyari for that person... para sa iyo, kailangan ko bang sabihin itong talaga? Bianca answered something about being honest to oneself.
Dito na nagsimula ang panibagong lakas ng loob ni Zanjoe na pursigihin na ang anumang naramdaman nito para kay Bianca.
Ano ang tingin n'yo dito? share ur thoughts

Happy Birthday Direk Lauren!
March 12, 2006 (10:00 PM PhilTime)
Ito ang birthday bash na idinaos ng mga kaibigan at nagmamahal kay Direk Lauren. To Direk Lauren, thank you for giving us all this show, PBB. And more power to you!



Keanna in Her Cocoon
March 12, 2006 (8:00 PM PhilTime)
Oh no! Bakit naging isang living cocoon si Keanna? Bakit naman pinapahirapan ni Kuya si Keanna? Is this some kind of punishment. Hmmm...
Sa pagkakaalam ko, ang ginagawang ito ni Keanna ay isang "sacrifice" para makabalik si Rustom sa loob ng bahay. Kaya hayun at naging isang living cocoon nga si Keanna. Go Keanna!

3rd Eviction Night: Aleck Bovick Is It! Goodbye Bovick
March 11, 2006 (10:40 PM PhilTime)
In another cliffhanger eviction night, Keanna and Roxanne got the two highest votes over Aleck Bovick, the person evicted tonight. Kung bakit si Aleck ang hindi ibinoto ng mga tao, I suspect that this has to do sa kanyang mariing gusto na mapalayas na sa bahay ni Kuya. Sa kanyang previous confessions with Kuya, isinaad nito na gusto na niyang lumabas. This may have turned off her supporters. So yon na nga at siya ang na-evict kanina.
Sa kanyang pagka-evict, tuwang tuwa at masaya itong si Aleck. Nagtatalon at nagsisigaw pa nga ito dahil at last ay makakalabas na sa bahay. Before going out, she gave some hugs and goodbyes to the remaining housemates and thanked Big Brother, even if, according to her, nagkaaway sila previously.
ScreenCaps Gallery of the 3rd Eviction Night: View This Post 


More Birthday Surprises for Bianca
March 11, 2006 (10:20 PM PhilTime)
More birthday surprises were given by Kuya to the birthday girl Bianca. Matapos ang tawag ng kanyang brother who is now in the US at ang bonggang fireworks from Direk Lino, marami pang sorpresa ang dumating para kay Bianca katulad ng card and a pet dog named Missy from Direk Lino pa rin. Binigyan din ni Kuya si Bianca ng cake na kanilang kinain. Nagkaroon din ng "cake wars" sa loob ng bahay kung saan masaya nilang pinaglaruan at ipinahid at itinapon sa isat-isa ang mga cake plates.
Grabe ang saya ni Bianca sa kanyang birthday. Sabi pa nga niya na ito na ang pinaka-maligaya niyang birthday sa tanang buhay niya.
ScreenCaps Gallery of Bianca's Other Birthday Surprises: View This Post 

Pa-Sikat ng Pinoy: Weekly Task
March 11, 2006 (10:00 PM PhilTime)
For the week, the housemates have been practising their weekly challenge. The challenge consists of breaking an existing world record(s). Each housemate was given by a world record to break. For instance, Budoy was tasked to break the world record in stacking golf balls, nine balls high. And Aleck was tasked to accommodate 243 straws inside her mouth for almost a minute.
The weekly task proved to be very difficult for the housemates. They failed in almost all individual challenges. And since they need to break three world records, and failed to muster the three, the housemates lost their bet for this week.
ScreenCaps Gallery of Pa-Sikat ng Pinoy: View This Post 

Ang Pagsubok ni Kuya
March 11, 2006 (10:00 PM PhilTime)
ScreenCaps Gallery of Ang Pagsubok ni Kuya: View This Post 
After ngang ipaalam nila Rustom, Rico at Gretchen ang kanilang willingness to sacrifice na lumabas kapalit ng pananatili ng mga nominees for eviction if ever matanggal ito tonight, pinalabas ang tatlo sa bahay (to a location that I still do not know). Before umalis ang tatlo ay nag-yakapan at nag-iyakan na naman ang mga housemates. Ang misunderstanding nina Gege at Aleck ay parang okay na dahil before lumabas si Gege ay nagyakapan din silang dalawa.

Pero lubos ang saya ng lahat ng isa-isang bumalik ang tatlo sa loob ng bahay. Unang bumalik si Rico, then si Gege and just earlier, si Rustom. Buong galak na tinanggap uli ng natira ang tatlo sa loob ng bahay.

Kuya's Big Swap Challenge
March 10, 2006 (11:30 PM PhilTime)
ScreenCaps Gallery of Kuya's Big Swap Challenge: View This Post 
For the sake of friendship, Gretchen, Rico and Rustom have agreed to switch places with the three nominees, Aleck, Roxie & Keanna, and face the risk of eviction tomorrow night.
Their decision came after Big Brother summoned them to the confession room yesterday afternoon where he posed his newest and perhaps most difficult challenge to date: "Bibigyan kita ng pagkakataong gumawa ng kabutihan, willing ka bang lumabas ng bahay para sa iyong Kaibigan?" Kuya asked Gretchen, Rico and Rustom. Kasama rin si Bianca sa mga tinanong bilang kaibigan din ni Roxanne. Pero after so many considerations, mas pinili ni Roxanne na si Rico nalang ang ipapalit sa kanya para ma-evict sa Saturday in case siya ang ma-eevict.
Without having second thoughts, Rustom and Gretchen accepted Kuya’s challenge to save Keanna and Aleck from possible eviction. Rustom explained that Kuya’s challenge is his way of expressing gratitude to Keanna, who has been very supportive of him since he decided to reveal the biggest secret of his life."

At first, Rico declined to switch places with Roxie. But after a heart to heart talk with the Divang Kolehiya on how she’s been coping with her nomination, Rico changed his mind. He went back to the confession room to inform Big Brother of his final decision.
The heartthrob DJ believes that Roxie is not yet emotionally preprared to leave the house. Rico says that he doesn't want his friend to experience so much emotional pain since he knows that if Roxie gets evict tomorrow night, it will break her heart.

It was almost midnight when Big Brother gave Rico, Gretchen, and Rustom the go signal to inform the other housemates of their decision to take the place of the nominees. While Kuya's challenge strengthened the friendship of Rustom and Keanna and Rico and Roxie, It didn't turn out well for Gretchen and Aleck. Instead of stregthening their bond, Kuya's challenge resulted in a misunderstanding for the two housemates. Upon learning of Gretchen's decision, Aleck got very upset.
Gretchen and Aleck decided to privately talk things over but they failed to settle their rift. Aleck also got very disappointed with Big Brother. She questioned Kuya's motives in his decision to let Rico, Gretchen and Rustom face eviction instead of the nominees. To show her disgust with Kuya's decision, Aleck turned off her lapel microphone several times last night.
Surprises for Bianca's Birthday
March 10, 2006 (11:20 PM PhilTime)
Sobrang marami ang surprises for Bianca's birthday. Nariyan na ang tawag for her from JC Gonzales, her brother who is now in America. Hindi rin nagpahuli si Direk Lino dahil from atop ABS-CBN building just across Pinoy Big Brother House, binulaga nito si Bianca ng isang magarbong fireworks display.

Wings Detergent sa Teleserye ng Germ-Free Labada
March 10, 2006 (11:00 PM PhilTime)
Ipinakita kanina ang pagtatapos ng Wings Detergent segment sa PBBCE. Mga malalapit sa buhay ng mga celebrity housemates ang nagbigay ng kanilang kuro-kuro sa mga ginawang paglalaba ng mga housemates. Lahat ay all praises din sa galing ng mga celebrity housemates at ng Wings Detergent!

Gretchen, Aalis na sa Bahay!
March 10, 2006 (11:50 AM PhilTime)
Nang tinanong ni Kuya kung willing bang mag-sacrifice si Gretchen na makipag-swap kay Aleck sa pagiging isang nominated for eviction, walang kurap nitong sinabi na willing siya. Kaya naman paglabas nito from the confession room, dali-daling nag-pack si Gretchen ng kanyang maleta. Ito naman ang ipinagtaka ni Aleck, kaya kinulit niya si Gretchen para sabihin nito kung ano ang reason ng kanyang pag-alis.
Later on, Aleck realized that Gretchen is doing a sacrifing to spare her from being evicted. Ito ang ikinagalit ni Aleck. Sa harap ng mga housemates, galit na galit ito kay Gretchen dahil aniya gusto na nitong umalis sa bahay, and by volunteering to swap with Aleck, pinapatagal diumano ni Gretchen ang kanyang paghihirap sa loob ng bahay.
Baka mag-away ang dalawa... sana naman hindi. share ur thoughts

EXCLUSIVE: Miguel Mendoza, ang Pag-ibig ni Gretchen
March 09, 2006 (11:00 PM PhilTime)
Saludo ako kay Kuya dahil alam nito kung paano pigain ang mga housemates sa kanilang personal na buhay. Katulad nalang kanina kung saan tinanong nito si Gretchen about her lovelife, kung mayroon ba itong boyfriend sa kasalukuyan and other issues relating to Gege's lovelife. Nai-share ni Gretchen na 8 months na siyang walang boyfriend. Ang last serious boyfriend niya is also an athlete (swimmer) at nag-gold din sa last SEA Games. Nasambit niya (unintentionally) na ang pangalan ng atletang ito ay si (Juan Carlos) Miguel Mendoza.
Kaya naman, dali-dali kong hinanap ang picture ni Mr. Mendoza, at voila, narito na! Ano sa tingin n'yo? share ur thoughts

Ang Pudong ni Budoy
March 09, 2006 (10:50 PM PhilTime)
Na-curious si Kuya sa pudong ni Budoy dahil in his 5-week stay sa bahay, ni minsan hindi niya ito tinanggal. Kaya, sa confession room, naitanong ni Kuya kung ano ang meron sa loob ng pudong. Sa sagot ni Budoy naliwanagan si Kuya na ito'y sumusunod sa Rastafari, isang belief sa Jamaica kung saan ay bawal putulin ang dreadlocks ng buhok. Nai-share din ni Budoy na hindi pa itong handang ipakita ang buhok sa publiko at hindi niya ito pinapaliguan.

Mga Lalaking Housemates, Nabuntis?!?
March 09, 2006 (10:30 PM PhilTime)
Para gunitain ang International Women's Day, binigyan ni Kuya ang mga lalaking housemates na magbuntis-buntisan habang naka-ayos pambabae at naka-heels pa. Sa kanilang malaking tiyan, balloons na may tubig sa loob ang inilagay para magmistulang buntis ang mga lalaking housemates. Game naman ang lahat sa task na ito, sumayaw pa nga sila habang ginagawa ang task na ito. Nakakabilib naman!

Keanna, Retoke Queen
March 09, 2006 (10:20 PM PhilTime)
Nai-share ni Keanna kina John at Rustom na marami na ang naretoke sa kanyang katawan. Una na dito ay ang kanyang boobs. Naikwento pa niya ang sakit na naramdaman nito noong nagpa-boob-job ito at some inconveniences such as dripping of fluids from the side of the boob. Ang ikalawang ni-retoke sa kanya ay ang kanyang ilong. Sabi pa niya ay kinuha daw ang ilang buto sa kanyang ilong para mapahaba ito.

Kanino Ba Naka-Pattern si Adan?
March 09, 2006 (7:50 PM PhilTime)
Sa mga hindi nakaalam, si Adan ay ang paper mache na ipinagawa ni Kuya sa mga housemates. But do you know kung kanino sa mga housemates naka-pattern si Adan? Actually, either lalaki or babae ang kanilang gagawin. Nag-debate pa ang mga housemates kung ano ang kasarian nang gagawin nila. Kung naging babae ang paper mache, dito nila ipa-pattern:

Pero dahil lalaki nga ang kanilang ginawa na pinangalanan nilang Adan, ito ang naging pattern nila:

Rico and Roxanne, Closer than Ever
March 09, 2006 (7:40 PM PhilTime)
Hindi na masyadong hina-higlight ang issues nila Rico at Roxanne, pero do not be deceive dahil silang dalawa ay closer than ever na ngayon. Hmmm, ano kaya ang ibig sabihin nito? share ur thoughts

Mabaho Ba Budoy?
March 09, 2006 (7:30 PM PhilTime)
Bilib ako kay Budoy dahil grabe ang pagkatotoo nito sa sarili. Sige nga at tingnan ninyo ang picture below. Ano pa ba ang mas totoo diyan sa nakikita ninyo? Di ba't normal lang na pagkatapos mag-undress ng shirt ay sinisimhot-simhot ang damit para malaman kung mabaho ba? share ur thoughts

Girl Power Inside the House
March 09, 2006 (1:30 PM PhilTime)
Celebrity housemates Budoy, Rustom, John, Zanjoe and Rico experienced girl power yesterday as they celebrated the International Women's Day in a unique fashion.
Kuya's first task to the five boys was to let them wear high heels for the whole day. "Nais kong magbigay ng saludo ang mga kalalakihan sa isang pinagdaraanan ng mga babae, lahat ng male housemates ay kailangan magsuot ng high heels," Big Brother instructed the boys.
Stay tuned for more updates about this.

World Record Breaking Weekly Task
March 09, 2006 (12:30 PM PhilTime)
Tatlong world record breaking task ang dapat malampasan ng mga housemates para mapanalunan nila ang weekly task ni Kuya this week. Makakaya kaya nila ito? Possible, dahil puspusan ang training nila to make it happen.

Roxanne: Ayoko Nang Ma-In-Love!
March 09, 2006 (11:30 PM PhilTime)
Ito ang nai-sambit ni Roxanne sa kanyang conversation with Gretchen sa prayer room matapos itong mag-open up sa mga hinanakit at sama ng loob nito sa mga pangyayari this week. Roxanne: Gusto ko lang magmahal, kasalan ba ang magmahal? Humagulgol itong umiyak nang bigkasin nito na ayaw na daw niyang magmahal. Gretchen consoled her by saying that it is not a problem if one cannot please everybody. Roxanne concluded by saying: Sobrang I've been protecting them from the very beginning. Pero ngayon dahil nangyari ang mga ito, I've been forced to save myself first.
Grabe na ito! share ur thoughts

Ang Di Pagkakaunawaan Nina Rustom, Keanna at John
March 09, 2006 (11:30 AM PhilTime)
The rock-solid friendship of Keanna and John started to show some cracks yesterday when John had a heart to heart talk with his "Mommy Keanna" about their lambingan moments. The Kilabot ng Senado was saddened when she learned that John was already feeling uncomfortable with the extra sweetness she had been showing to him.

Kuya's Version of the Oscars: The Highlights of PBBCE After 30 Days
March 08, 2006 (8:30 PM PhilTime)
Naaliw ako kanina sa paghi-highlight ng mga naganap sa loob ng bahay for the past 30 days. Ginawa ito sa pamamagitan ng isang spoof sa awards show na Oscars. Maraming awards ang ginawad sa mga natatanging kaganapan sa loob ng bahay the last 30 days. Sa lahat ng mga awards na ipinamigay, ang bading-badingan ni Christian kung saan ay tinawag ang pelikula nila na ang Pagdadalaga ni Christian Vasquez ang lubos kong ikinaaliw.
Narito ang honor roll sa nasabing awards show.

Opening Credits ng PBBCE sa Studio 23
March 08, 2006 (7:30 PM PhilTime)
Napanood ko kanina lang sa Studio 23 ang opening credits para sa PBBCE. Maganda din ang pagkagawa, at iba naman ang concept kaysa sa opening credits na makikita sa Primetime Bida.




SPOTLIGHT: Zanjoe Marudo
March 08, 2006 (12:30 PM PhilTime)
A lot of readers have requested me to post some pictures of Zanjoe Marudo. Request no more dahil heto na ang inyong pinakakaabangan. What do you think of Zanjoe? share ur thoughts
You may click on the image to see its bigger version.








