BlogSite Posting: Archive Created -> March 08, 2006 (8:02 PM PhilTime)
All you need to know about Pinoy Big Brother Celebrity Edition! This archive is for all Day 26 to Day 30 events and postings.
Roxanne's Message for Marty: I Do Not Want to Hurt You!
March 07, 2006 (11:00 PM PhilTime)
Sa muling pag-uusap nina Roxanne at Kuya sa loob ng confession room (while Roxanne's parents are outside the house listening to her conversation with Kuya together with Toni), tinanong muli ni Kuya kung ganun pa rin ang stand nito sa kanyang pahayag na hindi na niya boyfriend si Marty. Nanindigan si Roxanne na hindi na nga niya boyfriend itong si Marty.
Roxanne: Marty and I broke up last November. Nagkita kami muli days before ako pumasok sa loob ng bahay. Gusto niyang magkabalikan kami. But I wanted for us to start over again and he respected my decision. I asked if we could be friends and he said 'yes.' When Kuya asked for a message for Marty, Roxanne gave these words: I do not want to hurt you. I'm sorry that we have to go through this. You'd promised that you would support me all throughout, and this is one of those times that I need your support. Hindi ko intensyong saktan ka or your family.

Roxanne on Marty: Hindi Ko Siya Boyfriend!
March 07, 2006 (10:30 PM PhilTime)
Nag-open up si Roxanne kay Kuya when the later asked Roxie about the real score between her and Marty. Kasi nga, na-confused si Kuya dahil sa lie detector test napatunayan na nag-lie itong si Roxanne sa tanong kung meron ba itong boyfriend sa labas ng bahay. Ito ay sinagot niya na wala, pero sa resulta ng test ay nagsinungaling nga ito. Mas naging mainit pa ito dahil just last week lumabas si Marty, ang sinasabing boyfriend daw niya claiming that he is actually her current boyfriend and defending Roxie againsts the assaults of Rico. If I remember it right, ang sabi pa ni Marty noon for Rico ay: I respect your feelings for Roxanne, please also respect the feelings of Roxanne.
Sa pagtanong muli ni Kuya kay Roxie kung ano ba niya talaga si Marty, kung boyfriend ba niya ito, tahasang sinagot ni Roxie na hindi. Roxanne: Naging kami noong February 14, 2005, we broke up end of November... sobrang malinaw yon sa amin!

Jasmine Trias Spices Up Kuya's House
March 07, 2006 (10:30 PM PhilTime)
Si Jasmine Trias pala ang sinasabing international star na bibisita sa loob ng bahay. Marami ang nagsasabing baka si Sandara Park... mali ang mga ito.
Sa pagpasok ni Jasmine, marami ang nag-abang pero personally, wala namang kaabang-abang na pangyayari sa pagbisita niya. So-so lang ang mga kaganapan sa loob ng bahay while she's there. May ibang tao din na nagsasabi na na-boring-an sila. Ikaw, ano ang reaksyon mo sa pagpasok ni Jasmie Trias? share ur thoughts
ScreenCaps Gallery (I) of Jasmine's Visit: View This Post 
ScreenCaps Gallery (II) of Jasmine's Visit: View This Post 

Ang Pagtatapat ni Roxanne kay Rico
March 06, 2006 (9:00 PM PhilTime)
Mukhang nagi-guilty na si Roxanne sa mga kasalanan nito sa lipunan (hehehe) at unti-unti nitong kina-klaro at binibigyan diin at tuwid ang mga nangyayari sa buhay nito sa loob at labas ng bahay. Ito ang isang rough transcript of a conversation between Rico and Roxanne sa altar. Sa lahat na gustong maintindihan si Roxie, I suggest that you read the rough transcript.

Ano ang Ginagawa ni Adan sa Loob ng Bahay?
March 06, 2006 (6:00 PM PhilTime)
Sino si Adan at bakit nakapasok ito sa bahay ni Kuya? Apparently ay may task si Kuya sa mga housemates kung saan ay gumawa sila ng isang paper mache na "Adan." Ito ay parang mannequin na dapat dilang ayusan at damitan. Antayin nalang natin kung matutuwa ba si Kuya sa end-product na nagawa ng mga housemates.

Ang Serena sa Bahay ni Kuya!
March 06, 2006 (5:00 PM PhilTime)
Aliw na aliw si Keanna sa kalalangoy sa pool inside Kuya's place. At bakit mag-isa ka lang sa pool? Nasaan ba ang iba mong kasamahan? Actually, pwede ka nang maging dyesebel or marina (o marinara) paglabas mo ng bahay 

3rd Nomination Night: Keanna, Aleck and Roxie are Nominated
March 06, 2006 (8:00 AM PhilTime)
Tatlo ang nominado for eviction at lahat ay mga babae, sina Keanna, Aleck at Roxie. Kung last week ay tatlong lalaki ang nominado, this time around ay tatlong babae na naman. Tingin ko lang, effective to gain sympathy votes kung may gagawin kang kawindang-windang if ever nominated ka. Take the example of Rico, who assumed Mich's responsibility of balding her head. And because of this, Rico got the sympathy of the audience, which translated to votes. Then, just last week, Rustom came out of the closet and revealed to the world about his being gay. At dahil dito (aminin man natin o hindi), naka-contribute ito upang maging top choice siya ng voters.
Ano naman kaya ang gagawin ng tatlong nominees para makuha na naman nila ang simpatiya ng tao. Granting na walang gawin ang tatlo na kaabang-abang o nakaw-headline, sa aking personal na opinyon, Keanna and Aleck are safe. Kasi si Keanna, ang mga manunuod ay aliw na aliw sa kanya. Siya na yata ang pinakatotoong tao sa loob ng bahay. Wala siyang pakiaalam kung ano ang magawa niya or masabi. And at this point in time, gusto pa ng mga tao ang mga antics niya. Ang problema lang ay kung later on ay magsawa na ang mga manunuod sa paulit-ulit na niyang "brand of entertainment."
Si Aleck naman ay pigil pa rin sa kanyang sarili. Parang mayroon pa siyang dapat gawin na siyang hinihintay ng mga tao. Something is kulang with the showings of Aleck that some people want to extend her stay to make sure that she shows everything about her in the show. And it did not hurt either na willing siyang gumawa ng iba (ang pagputol ng kanyang buhok) for the benefit of another person. In this case, although two-weeks nang pinutulan ng buhok si Aleck, naroon pa rin at nakatatak na sa tao ang willingness niyang maging iba para makapagplease hindi man sa mga manunuod ay para sa mga taong malapit sa kanya.
Sa tatlo, I would say na si Roxanne ang pinakamahina at pinaka-vulnerable na ma-evict. First, nariyan na ang "hate" sa kanya ng mga pro-Rico text voters. Ngayon na wala na si Rico sa mga evictees, these pro-Rico hoardes would definitely vote except for Roxanne. Nariyan na rin ang mga taong ayaw sa paiyak-iyak effect nito. Sa mga pagsubaybay ko sa mga internet forums, marami ang naiirita sa ka-OA-han diumano nito. At lastly, nariyan na ang isyu ng pagiging totoo sa sarili at sa mga manonood. Nakita ko kagabi ang result ng lie detector test kung saan ay hindi inamin ni Roxanne na mayroon na itong boyfriend sa labas sa katauhan ni Marti. At siguro ay naisip nito ang impact ng kanyang pag-lie sa mga tao, at this morning lang ay nag-explain ito (defensively) kay Bianca kung bakit nagkamali siya sa pagsagot kay Kuya during the test. Ang mga tao ay hindi madaling makalimot. One week is a very short time, so unless may gagawin si Roxane na kagimbal-gimbal para makuha ang simpatiya ng tao, then gawin na niya para di ma-evict. Hanggang ganun pa rin ang strategy niya (pa-iyak-iyak, paawa effect at pa-away-bati kay Rico), maghanda na siya dahil siya na ang walang dudang aalis sa bahay come Saturday.
What do you think of my opinion? Do you have other things to say which are contrary to those I've said? share ur thoughts

Factions Form Inside PBB House
March 05, 2006 (6:00 PM PhilTime)
Factions arise in the PBB house as a result of Christian's eviction. After the announcement, Keanna and Rustom had a post-Christian eviction observation. Keanna felt that other housemates excessive crying showed their bias for Christian and in effect, their bias against Rustom and Rico.



Ang Mga Babae sa Buhay ni John Prats
March 05, 2006 (12:00 PM PhilTime)
Sa murang edad ni John Prats ay iilang babae na ang kanyang naging girlfriend o nalilink sa kanya. Nariyan na sina Heart Evangelista, Melissa Ricks, Nancy Castiglione, Maja Salvador at ang ka-housemate niyang si Roxanne Barcelo.
Sino sa palagay mo ang nababagay kay John Prats? share ur thoughts

2nd Eviction Night: Christian is Evicted!
March 04, 2006 (11:00 PM PhilTime)
Iba ang reaksyon ni Christian Vasquez nang ito ang tinawag ni Toni as the second evictee from Kuya's house. Natuwa ito at nagsisigaw sa galak dahil alam niya na hindi siya ibinoto ng mga tao dahil para sa kanya mas importante ang mga anak nito kaysa sa pananatili sa bahay.
Naiyak lang si Christian ng mag-goodbye na ito sa kanyang mga co-housemates dahilan na rin sa mga nabuong pagkakaibigan nito sa kanila, especially Zanjoe, Bianca at Roxanne.
ScreenCaps Gallery (I) of Christian's Eviction: View This Post 
ScreenCaps Gallery (II) of Christian's Eviction: View This Post 
ScreenCaps Gallery (III) of Christian's Eviction: View This Post 

Housemates Win Hatak Attack Challenge
March 04, 2006 (10:30 PM PhilTime)
Sa isang ma-dramang pag-portray ng mga celebrity housemates sa kanilang hatak attack challenge, naipakita nila ang kanilang husay sa pag-arte at sa paghatak sa table cloth ng walang nababasag na glassware. Nanalo nga ang mga housemates sa challenge na ito. Congratulations sa inyong lahat!
ScreenCaps Gallery of Hatak Attack Challenge: View This Post 
Kaninong Last Supper Ito Ngayon?
March 04, 2006 (7:45 PM PhilTime)
Kumakain na ang mga celebrity housemates ng kanilang hapunan. Pero isa sa tatlo (Rustom, Christian and Rico), ang hapunang ito ay ang kanyang huli bilang celebrity housemate.
Sino kaya ang ma-eevict sa gabing ito? Sa aking palagay, it is between Christian o Rico ang mapapalays sa bahay ni Kuya. Kasi marami na ngayon ang sumasimpatiya ni Rustom, which would mean na marami ang nag-vote sa kanya. share ur thoughts

EXCLUSIVE from Nancy to John: I am just here to support you
March 04, 2006 (7:30 PM PhilTime)
Na-interview ni Cito Beltran sa kanyang show sa ANC si Nancy Castiliogne, ang babaeng sinasabing kasintahan ni John Prats sa kasalukuyan na isa namang celebrity housemate na currently ay nasa loob ng bahay ni Kuya. Sa pagtanong ni Cito kung ano ang mensahe niya for John, walang kurap itong sinabi na maghihintay lang ito sa paglabas ni John, and that she is willing to support him all the way.
Ang ganda naman ni Nancy! At ang supportive pa, di ba? share ur thoughts

Robin: Sa Lahat ng Bumabatikos sa Kapatid Ko, Isa Lang ang Masasabi Ko... HaHaHa!
March 03, 2006 (10:50 PM PhilTime)
Sa pagbisita ni Robin sa bahay ni Kuya, napag-usapan nilang dalawa ni Rustom ang mga reaksyon ng pamilya Padilla sa pag-out niya. Puring puri si Binoe sa ginawang katapangang iyon ni Rustom. Robin: Bilib ako sa 'yo... I love you 'tol... Inspirasyon ka sa akin... You are my hero! Robin confided that everybody in their family is eagerly awaiting for his return from Kuya's house. Robin also thanked Kuya for giving Rustom the opportunity to come out. Robin: Sa matagal na panahon, ang aming pamilya ay malapit pero di open... Salamat at nabigyan ng opportunity sa loob ng bahay mo si Rustom.
Si Rustom naman ay sobrang galak sa pagbisita ng utol nito. On his reaction to Robin's visit, he shares that Binoe's assurances and hug is more than enough for him. Further he considered the hug and acceptance of Binoe as the same hug and acceptance of their father of what Rustom is really is. According to Rustom, it has brought closure to his sadness all this time in his life.
Candidly, Binoe gave a parting message. Binoe: Sa lahat ng bumabatikos sa kapatid ko, isa lang ang masasabi ko... Hahahaha!

Bianca: Wala Tayong Fault sa mga Emotions na Ma-Feel Natin sa Loob ng Bahay
March 03, 2006 (10:30 PM PhilTime)
Bianca shared these words to Christian after the lie detector test that she underwent. Siguro worried si Bianca kung ano ang sasabihin ni Lino sa mga na-reveal niya during the said test.
Personally, I think hindi naman ganun kakitid ang utak ni Lino to get mad or worse, to break up with Bianca dahil nga nasabi nito na crush niya si Zanjoe, di ba? share ur thoughts

Budoy, Ang Bagong Dancefloor Dynamite!
March 03, 2006 (10:20 PM PhilTime)
Grabe, multi-talented talaga itong si Budoy. Since sa simula pa lang ng PBBCE, gusto ko na si Budoy. At ngayon nga, nagpakita si Budoy ng isa na namang panibagong talent--ang pagsayaw.
Si Budoy na ba ang magiging bagong dancefloor dynamite? share ur thoughts

Robin Padilla Visits Kuya's House
March 03, 2006 (6:00 PM PhilTime)
Bumisita si Robin sa loob ng bahay. Sa isang nakakatuwang pag-uusap ni Robin at Keanna, naitanong ng nauna kung may asawa na ba ito. Naisagot ni Keanna na wala pa. Tugon naman ni Robin: Naghahanap ako ng pangalawang asawa. Tumawa ang dalawa pagsambit ni Binoe nito.
Nagkausap naman sina Robin at Christian kung saan sinita ng nauna ang huli sa mga paglaladlad na ginawa nito (though jokingly) last February 15. Ani Christian wala siyang malisya sa pinaggagawa niya pero para kay Binoe iyon ay direktang pangungutya kay Rustom.

Bianca: Noon Pa Man, Crush Ko Na Si Zanjoe
March 03, 2006 (4:00 PM PhilTime)
The Y-speaker of the house has spoken! Celebrity housemate Bianca Gonzales has admitted that she has a crush on the Zanjoe, who previously admitted that he admires Bianca.
Bianca made the startling revelation last night in her conversation with Zanjoe's best friend in the house, Christian. Bianca revealed that even before she met Zanjoe in Big Brother's house, she already had a crush on him. Bianca recounted that two years ago, she immediately got attracted to Zanjoe when she saw his pictures in a magazine.
Bianca further said that she never expected that one day, she and Zanjoe would be "spending their lives together 24 hours a day, 7 days a week under one roof." "Never ko pa siyang nameet at dati ko pa siyang gustong mameet, at pagpasok ko dito...well well well, what do we have here. Hindi ko naman kasalanan yun (na magkasama kami dito)," Bianca explained as her face started to turn red.
To read the complete story, visit the Official Pinoy Big Brother Site.
Naku, nagkaalaman na! What do you think of this development? share ur thoughts





