BlogSite Posting: Archive Created -> March 02, 2006 (11:45 PM PhilTime)
All you need to know about Pinoy Big Brother Celebrity Edition! This archive is for all Day 21 to Day 25 events and postings.
Rustom to Eva Carino: Ginagawa Ko Ito Dahil Mahal Kita
March 02, 2006 (11:00 PM PhilTime)
Naitanong ni Kuya kay Rustom kung ano ang message niya for her mother, Eva Carino. Rustom: Gusto kong magkaayos kami ng mama ko. Kasi, hindi kami in good terms. Lagi akong nag-strive noon sa school to make you happy... but my mom is never happy with me... Wala siya every PTA meeting... Alam kong hindi ka darating, pero hinihintay kitang dumating... I just want you to be proud... Sana ngayon, dahil isa sa mga reasons kong bakit ginawa ko ito, I hope maging proud ka sa akin...hindi sa paging isang artista kundi bilang tao...
Humagulgol si Rustom ng ipinagpatuloy niya ang mensahe niya sa kanyang ina: Hindi ako ang Rustom na gusto mo... Sana ay ituring mo na pagkalalaki ang ginawa kong ito... Ginawa ko ito dahil mahal kita!

Iba't-Ibang Reaksyon sa Pag-amin ni Rustom
March 02, 2006 (10:40 PM PhilTime)
Yoyah Quizan, Rustom's Manager: I'd learned to accept Rustom... Iam there to back him up... I usually tell people not to cross Rustom because I'd be the first one to fire back...Certainly, his revelations will not just make him free, people this time will not ask anymore if gay ba siya.
Rema Padilla-Ohno, Rustom's Sister: I know Rustom will come to this point na mag-out siya... While we were in America, tinawagan niya ako minsan and asked me kung tatanggapin ko ba siya if ever sabihin niya sa akin na gay siya... Ang sagot ko ay siyempre! Andun ako nung panahong iyon na binugbog si Rustom ng tatay namin... I witnessed everything... In retrospect, the whole incident was very sad, and it was not right, pero wala kaming nagawa dahil mga bata rin kami... I am happy for him because he has already confessed, and he has already set himself free so that he can now find a new beginning for himself... The revelation will definitely set him free from whatever pain it has caused him all these years.
Direk Joey Reyes: He has become an icon of honesty... Mas lalaki pa nga si Rustom sa ginawa niyang iyon kung ikukumpara ra ibang tunay na lalaki diyan na duwag sa mga katotohanan sa kanilang sarili.
Boy Abunda: I honor his decision... Ipinakita niya sa mundo na pwedeng maging gay at marangal... This is the start of a real life for him.

Ang Lie Detector Test
March 02, 2006 (10:30 PM PhilTime)
Ano kaya ang mga tanong, at ano kaya ang mga sagot sa mga tanong from the housemates? Pawang katotohanan ba ang mga isinagot ng mga housemates? Bakit balisang-balisa si Bianca matapos napasailalim sa test?
Interesting at kaabang-abang ang mga susunod na araw sa mga revelations! So stay tuned...

Keanna to Rustom: Pwede Ba Kitang Asawahin?
March 02, 2006 (10:20 PM PhilTime)
Sa isang masayang pag-recall nina Keanna at Rustom sa loob ng confession room, naipahiwatig ng dalawa ang mga feelings nila sa isa't isa regarding the indicident and revelations. Sabi ni Rustom, pagkatapos ng pag-uusap nila ni Keanna that night (or dawn), ang fear daw niya ay kung magbago ba ang turing nito sa kanya the following day. Rustom further shared: For some reason, pag-uwi ko from America, na-inspired ako sa butterfly... kaya nag gabing iyon, ang pagdating ng butterfly ay ang naging hudyat at senyales para sa akin to come out.
Si Keanna naman, nag-share na ang revelations na ito ni Rustom ay naranasan na rin niya before. Keanna: Di lahat ang ma-please sa mga pangyayaring ito... Ang importante ay masaya si Rustom sa sarili niya, at malinis ang sarili at kaluluwa niya sa harap ng Diyos. To make Rustom better, Keanna joked by saying: Pwede ba kitang asawahin? At sa kanyang anti-climactic na ihi: Sayang ang moment kaya doon ko nalang ibinuhos sa labas ang ihi ko.

Pro-Gay Groups Bilib kay Rustom, Eva Carino: Hinahangaan ko si Rustom
March 02, 2006 (7:20 PM PhilTime)
Sa TV Patrol ipinakita ang iba't-ibang reaksyon ng publiko at ng pamilya ni Rustom sa pag-amin nito sa kanyang totoong sarili. Sa official statement ng Pro-Gay: Nanawagan din ang grupo na dapat kumilos ang mga bakla at lesbiyana, kasama ang kanilang pamilya para wakasan ang lumalalang diskriminasyon at homophobia at isulong ang karapatan nila.
Pinapurihan at napa-bilib din ang Ladlad, isang pro-gay group sa ginawa ni Rustom. No comment naman ang ibinigay ni Carmina sa pagladlad na ito ni Rustom dahil aniya, nakapag-move-on na siya sa kanyang buhay. Ang ina naman ni Rustom na si Eva Carino ay humanga kay Rustom. Eva Carino: Hinangaan ko siya dahil malaya na siya... at sa lahat na gagawin niya, dapat ay una ang Panginoong Diyos.
Robin: Isang tapang na dapat niyang harapin. Isang tapang na may kaakibat na responsibilidad. Zsazsa: For sharing it to the world, I love you, Rustom!

Si Bianca Worried sa Lie Detector Test na Gaganapin
March 02, 2006 (6:00 PM PhilTime)
Nang ipinagbigay-alam ni Kuya na magaganap ang isang lie detector test sa mga housemates, sobrang na-worried si Bianca. Bakit kaya ganun?
Bianca, may sekreto ka bang ayaw mong mabuko sa pamamagitan ng lie detector test? Kung tanungin ka ni Kuya kung mahal mo na rin ba si Zanjoe, ano kaya ang isasagot mo? Malalaman ba ng madla ang katotohanan? Ito ay dapat abangan natin!
What can we all expect from this test? share ur thoughts

Rustom: I Am Gay... Sinasabi Ko Ito Sa Lahat ng Tao Dahil Hindi Ako Masamang Tao
March 01, 2006 (10:50 PM PhilTime)
Inilabas na nga ni Rustom ang lahat about his life. Sa mga hindi nakapanood sa yesterday's edition of Rustom's first part revelation, mababasa dito ang rough transcript.
Rustom was three (1971) years old nang naganap ang pambubugbog na ito ng kanyang amain. Hindi alam ni Rustom kung bakit siya binugbog. Ang mga kapatid nito kasi ang nagpasuot sa kanya ng damit pambabae. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin sa mga nagsusuot babae kung ikaw ay lalake. Sa pagdating ng ama niya, rage ang nakita niya dito habang sinisinturon siya ng bakal, hinuhubaran sa suot pambabae at tinatawag na bakla ng sariling ama. Rustom: Matagal natapos ang pangyayaring ito... ang pagwasiwas ng tatay ko sa akin...habang nakatingin lang ang aking mga kapatid... pasa pasa ang inabot ko sa mga bugbog niya. Sa pambubugbog na ito, nagbago at nagkaroon malisya na kay Rustom ang word na "bakla."
Dagdag ni Rustom: Since that time, nabuhay na ako sa takot... May mga tanong ako na di ko masabi sa ibang tao dahil baka magalit uli at bugbugin ako. Rustom further shared that while growing up, he was able to see from other people the meaning of the word (bakla) that has stuck in his head since childhood. Rustom: Ni-rereflect ko kung bakla ba talaga ako... Pinipilit kong hindi maging ganun kahit sinasabi ng ibang tao na ganun ako. He also had questions about getting married and being gay.
Then he got married with Carmina Villaroel. To this Rustom shares: Kinukwestyon ng tao kung mahal ko nga bang talaga si Carmina... Mahal ko iyon! Walang duda at hindi kwestyon iyon! Pero nangyari ang hindi inaasahan at nilayasan niya ako.
Rustom: Pero nandoon pa rin ang mga pakiramdam na hindi ko pa rin maiintindihan. So Rustom left the Philippines and settled in America. To his experience in America, Rustom shares: Sa US ko nakita ang pagiging gay na di necessary nagda-drag--mga gay na hindi nagsusuot pambabae, hindi nagme-make-up, hindi tumitili, hindi gumagalaw babae... Sa US, kahit hindi malambot ang kilos basta't nasa puso ang pagiging gay. Rustom ended his sharing with words that will definitely become classic lines: I have no choice but I am gay! Sinasabi ko ito sa iyo (referring to Keanna) at sa lahat ng tao dahil hindi ako masamang tao! He then cried and Keanna offered her shoulders for Rustom to cry on.
Saludo ako kay Rustom sa tapang niyang mag-out sa kanyang pagiging gay. Kayo, anong masasabi mo sa mga kaganapang ito? share ur thoughts


Roxanne: Crush Ko Si John
March 01, 2006 (10:20 PM PhilTime)
Roxanne shared in jest to her other housemates including John Prats that she had and still has a crush on John. Nag-share siya na dati raw, while John is still in Ang TV, bumibili daw ito ng mga notebooks kung saan si John ang cover.
Mukhang na-flatter si John sa revelationg ito from Roxie. Sa tanong ni Keanna kung hanggang ngayon ba ay crush pa nito si John, harapang inamin ni Roxanne na crush pa nga ito.
What do you think about this? share ur thoughts

Mich: I Apologize to Everyone
March 01, 2006 (10:15 PM PhilTime)
Isang video message ang ipinakita kanina ni Kuya sa lahat ng mga natirang celebrity housemates sa loob ng bahay. The video message came from Mich, who until now is still in the hospital. Mich to Keanna: I believe in you as a person... You are a woman of power and strength, and I admire you for that... Hindi ito nagpalit kahit nagkaaway tayo before ako umalis sa bahay. Mich to John: It is not my intention to hurt you. Mich to the rest of the housemates: I joined the show to represent who I am. I just want to apologize if palagi akong iyak ng iyak while I was inside.
Pagkatapos ipakita ang video message na ito sa mga natirang housemates, nag-comment din ang resident psychologist. He said that the anxiety attack was triggered because first and foremost Mich is an artistic in nature, and these kinds of individuals tend to use their right side of the brain often, which triggers the emotional side of the person. At dahil dito raw, kaya ganun nalang ang emotional strain na nadarama ni Mich sa loob ng bahay.

Star Circle Kid Quest
March 01, 2006 (10:15 PM PhilTime)
Ipinakita kanina sa primetime ang call for auditions para sa Star Circle Kid Quest. Ito yong audition dates: March 4 and 5, 2006 Saturday and Sunday at the ABS-CBN Studio 1. Open ito sa lahat ng kids 5 to 7 years old. Bring the following requirements: bio-data, 3-R Photo (1 close-up and 1 full-body). Registration is from 8am to 3pm only.

Christian Gusto Na Ring Lumabas ng Bahay
March 01, 2006 (10:10 PM PhilTime)
Naki-usap si Christian kay Kuya na kung pwede ay siya nalang ang lumabas through voluntary exit para ma-spare sina Rico at Rustom this coming eviction night. Pero binigyan siya ng advice ni Kuya to let the viewers decide on his fate. Mas mainam daw kung hintayin nalang niya ang decision ng text voters.
Hmmm, strategy ba ito Christian para makakuha ng dagdag votes? share ur thoughts

EXCLUSIVE: This is Lino Cayetano, Bianca's Boyfriend!
March 01, 2006 (9:00 PM PhilTime)
For those who have requested a photo of Direk Lino Cayetano, narito na ang isa pang exclusive na para lang sa mga avid readers ng blog na ito.
What do you think of Direk Lino? Sino ang mas bagay para kay Bianca, si Lino o si Zanjoe? share ur thoughts

EXCLUSIVE: Ang Ex-Girlfriend ni Lino Cayetano, Bianca's Boyfriend!
March 01, 2006 (2:30 PM PhilTime)
Sa sharing ni Bianca yesterday with Roxie, na-mention niya ang ex-girlfriend ni Lino kung saan ay na-iinsecure si Bianca. Sa puntong ito, may nakapag-tip sa akin through email na ang pangalan ng ex-girlfriend ni Direk Lino ay si Diana van Walsum. My informant also sent me a picture of the girl.
Sa inyong palagay, nakaka-insecure bang talaga si Diana? share ur thoughts


Ligawang Ala-Zanjoe... Oi, Seryoso na si Zanjoe kay Bianca!
March 01, 2006 (1:30 PM PhilTime)
Nagsimula na si Zanjoe sa kanyang panliligaw kay Bianca. Open naman si Bianca sa mga parinig, pa-cute, pasulyap-sulyap at pag-open (although indirectly) ni Zanjoe sa kanyang saloobin for Bianca.
Ang tanong nalang, tanggapin kaya ni Bianca ang pag-ibig ni Zanjoe gayong may Lino na ito? share ur thoughts

Rustom Reveals a Secret
February 28, 2006 (11:15 PM PhilTime)
A secret was revealed by Rustom Padilla to Keanna and the rest of the viewing public. It has something to do with his sexuality and his childhood memories for being "different" than the normals boys his age.
It started when Rustom asked Keanna: Kung meron kang isang tanong na gusto mong itanong tungkol sa akin, ano ito? Keanna asked about the real score of his break-up with Carmina. To this, Rustom responded that it has something to do with falling out of love and Carmina's having a third party. Rustom added: Dumating din ako sa punto ng buhay ko na mayroon akong ibang personalidad... na kahit gusto ko itong baguhin, hindi ko magawa dahil parte na iyon sa buhay ko.
He then shared an instance in his childhood nang binugbog siya ng kanyang ama nang nakita nito na nagsusuot-babae si Rustom. Ang ginawang pambugbog ay bakal ayon sa kanya. At wala ring ginawa ang kanyang ina kundi murahin siya para mapahinto sa pag-iiyak dahil sa insidenting iyon. Ayon kay Rustom, nagmarka iyon sa kanyang murang isipan. Rustom further shared: Yon ang umpisa ng confusion ko sa aking sarili... yon ang simula ng pagbibigay ko ng malisya kung ano ang kabaklaan.
Hindi natapos ang sharing na ito ni Rustom dahil naihi si Keanna. Ayon kay Toni, tatapusin ang pag-uusap na ito nina Rustom at Keanna bukas. Pero sa tingin ko, ang katapusan ng rebelasyong ito ay ang mga sagot sa matagal nang bulung-bulungan sa pagkatao ni Rustom--ang katanungan sa kanyang pagiging isang bakla.
Importante ba sa iyo ang mga rebelasyong ito ni Rustom? Ano ba ang halaga kung malaman nga natin na si Rustom ay isang bakla? share ur thoughts

Bianca Shares About Her Boyfriend
February 28, 2006 (11:00 PM PhilTime)
Sa prayer room habang nagbabasa sina Bianca at Roxie ng bible, ipinabasa ni Roxie kay Bianca ang verse mula sa Corinthians tungkol sa pag-ibig. Bianca remembered the verse as the favorite verse of her boyfriend and her ex-girlfriend. Then she started sharing her deepest feelings to Roxie about Lino and Lino's ex-girlfriend.
Bianca on Lino and his ex-girlfriend: I cannot shake it off me... kasi feeling ko, never nagkaroon ng closure silang dalawa. He will always love her more than he can ever love me. They met in New York, half-Dutch at half-Malaysian ang girl, daughter of an ambassador, pretty at film-maker din. An insecurity cloud is always in my head. I have a fear na pag bumalik yung girl, iiwanan niya ako. I do not know if I am strong enough for a personality like him.
Sa mga pinagsasabing ito ni Bianca, feeling ko may possibility na magkalabuan sila ni Lino. I have nothing against his boyfriend. Pero parang hindi strong ang relationship nila.
Ang ibig bang sabihin nito ay may chance si Zanjoe na makapasok sa buhay ni Bianca? share ur thoughts

Ang Mga Hinanakit ni Keanna
February 28, 2006 (10:50 PM PhilTime)
Umiyak si Keanna ng mag-isa sa duyan, at naalarma si Kuya. Kaya, pinakausap niya sina Rustom at Budoy kay Keanna para malaman ang rason sa kanyang pag-iyak at pag-iisa.
Mga hinanakit sa buhay niya ang dahilan kung bakit siya ay umiiyak. Sa kanyang pag-share kina Rustom at Budoy, naikwento niya ang hindi pag-a-appreciate ng mga tao sa paligid niya sa mga sakripisyo na ginagawa nito tulad ng pagsama sa iba't-ibang lalaki para lang makapaghanap ng pera para sa kanila. Napag-alaman din na kahiwalay lang ni Keanna sa kanyang boyfriend of five years.
ScreenCap Gallery II: View This Post 
Hatak Attack Exhibition
February 28, 2006 (10:50 PM PhilTime)
For their weekly task, the housemates must be able to pull a piece of cloth atop a table with glassware on it sa pamamagitan ng paghatak sa cloth. Dapat ay hindi mabasag o matumba ang mga glassware sa ibabaw ng cloth sa paghatak nito.
Nakakatuwa ang mga housemates dahil sa sobrang dali ng challenge para sa kanila, gumawa ito ng exhibition ng iba't-ibang atake sa kanilang weekly task.
ScreenCap Gallery I: View This Post 
Si Mich, Hindi Pa Rin Nakalabas ng Ospital?!?
February 28, 2006 (10:45 PM PhilTime)
Ipinag-alam kanina ni Kuya sa loob ng confession room sa lahat ng mga housemates na nasa loob pa rin ng ospital si Mich, at under observation pa rin ito sa kanyang asthma/anxiety attack na nangyari sa kanya sa loob ng bahay. Kaya, pinagawa ni Kuya ang mga housemates ng get-well-soon video para kay Mich.
Alam kong marami sa mga viewers ang hindi gusto si Mich, pero this time, I believe it is also fitting for us to pray for Mich para sa kanyang kagalingan sa kanyang mga nararamdaman.
Ano bang get-well-soon message ang gusto mong iparating kay Mich? share ur thoughts

Zanjoe: Gusto Ko Nang Lumabas ng Bahay, Ayaw Kong Masaktan at Makasakit ng Tao
February 28, 2006 (10:15 PM PhilTime)
Naging usap-usapan sa loob ng bahay ang wake up call na pinatugtog ni Kuya sa lahat ng housemates. Ang wake-up call kasi ay ang pag-uusap nina Zanjoe at Christian kung saan inamin ni Zanjoe na gusto na niyang umalis sa bahay dahil may nararamdaman na itong iba towards Bianca at ayaw niyang masaktan at makasakit ng tao.
Pero loko-loko din pala itong si Kuya dahil ginawa nga niya ang pag-uusap na ito nina Zanjoe at Christian bilang wake up call. Hayun at nalaman na nga ng mga housemates ang puno't dulo of the conversation kaya todo connivance ang mga housemate sa pagte-tease sa dalawa.
Mahal mo na nga ba talaga si Bianca? Totoo na ba 'yan, Zanjoe? share ur thoughts


Another Kilig Moments with Zanjoe and Bianca
February 28, 2006 (5:30 PM PhilTime)
Isa na namang nakakakilig na moments ang nangyari loob ng bahay between Zanjoe at Bianca. Obvious na conscious si Bianca sa mga pasilip-silip na sulyap sa kanya ni Zanjoe.
Bakit kaya? Paano na si Direk Lino kung unti-unti nang nahuhulog ang loob ni Bianca kay Zanjoe? share ur thoughts

Roxie's BF to Rico: I Respect Your Feelings for Roxanne, But Please Also Respect Roxanne
February 27, 2006 (11:20 PM PhilTime)
Ipinakita na nga sa primetime ang boyfriend ni Roxanne, dimming the hopes of Rico fans for a real life loveteam of both Rico and Roxie once they come out from Kuya's house.
Mahinahong binigyan ng current boyfriend ni Roxanne si Rico ng payo. At ito na nga ang pagbigay respeto kay Roxanne at sa mga decisions nito sa buhay, indirectly saying that Rico must respect if Roxanne will not choose to love him in return for his "love" for Roxie. Nagbigay din mensahe ang kanyang boyfriend for Roxanne to be strong in her faith and pray para makalusot ito sa mga problema na nangyayari sa loob ng bahay.
Ano ang masasabi mo sa mga sinabi ng boyfriend ni Roxie? share ur thoughts

Ang Lover's Quarrel nina Rico at Roxanne
February 27, 2006 (11:10 PM PhilTime)
After ng nomination night, Rico confronted Roxanne as to why she is conniving with the other housemates in the move to oust him from Kuya's house. Nag-cite pa ito ng example sa ginawang "panlalait" nila ni Bianca after nga ma-nominate ito last Sunday. Roxanne denied the allegations of connivance and walked out from her talk with Rico.
Dahil hindi na ito kinikibo ni Roxanne, ipinabasa ni Rico kay Roxie ang isang chapter ng libro at dapat ay "with feelings" pa. Kung hindi satisfied si Rico sa pagbabasa ni Roxie, pinapabasa ito ulit ni Rico. Ito ang ikina-inis at ikinasama ng loob ni Roxie, kaya mas lalo pang lumaki ang bangayan nilang dalawa dahil nag-flare-up na rin ng kanyang sama ng loob si Roxie. Hindi nga nakatiis si Roxie at ito'y nag-uumiyak. Isinumbong pa nito sa ibang housemates ang mga pinaggagawa ni Rico sa kanya.
Napaka-mean naman ni Rico, hindi ba? Ako, ni minsan, hindi ko nagawa sa mga naging girlfriends ko, or even those na niligawan ko ang mga ginawang ito ni Rico (hehehe, as if interested kayo sa personal life ko, pero just for comparison purposes; and I know marami rin ang maka-rerelate sa sinabi kong pambabastos ni Rico kay Roxie sa puntong ito). Bakit ganun kaya si Rico? Well, iba-iba naman ang tao so baka ganun lang talaga siya. share ur thoughts

Roxie's Pa: Rico is Stalking Roxanne, Dapat Tantanan na Niya Ito!
February 27, 2006 (11:00 PM PhilTime)
Mga maanghang na salita galing sa parents ni Roxanne, particularly his father was hurled to Rico on his actions and actuations towards Roxanne. According to Roxanne's father, ang mga ginagawa ni Rico kay Roxanne is comparable to stalking already, kaya dapat ay tapusin na ni Rico ang mga ginagawa niyang ito kay Roxie. Nakakasama na nito kay Roxanne at affected na ang lahat ng nasa loob ng bahay.
Ganun din ba ang tingin ninyo sa mga pinanggagawa ni Rico towards Roxanne? share ur thoughts

The Inside Story of Rico and Roxanne
February 27, 2006 (10:40 PM PhilTime)
At nag-share na nga si Roxanne kay Rustom sa mga pangyayari at totoong nangyari sa buhay nilang dalawa ni Rico. It started a few years back when Roxanne was doing an OJT at Rico's radio station. They got together well, and incidentally during that time Roxanne broke up with her boyfriend. At nagkaigihan na nga silang dalawa. Magkasama ang dalawa palagi at nagtatawagan sa telepono. Pero nalaman nalang ni Roxie na hindi pa pala nagkaroon ng closure si Rico sa kanyang ex-girlfriend. Nalaman nalang niya after a few days na si Rico pala ay kasa-kasama na ulit ang ex-girlfriend nito. Hindi man lang daw kinausap ni Rico siya regarding this matther kaya lubhang nasaktan si ito sa mga panahong iyon.
After hearing Roxanne's story of their "affair" with Rico, sa aking palagay, hindi ba dapat ay i-confront nalang niya si Rico ng harapan (if hindi pa nga niya ito nagawa) at sabihin na niya ng harap-harapan na wala na talagang pag-asa ito sa kanya. At tapusin na nila ang kaartehang ito! Kasi sa mga naririnig ko rin from 24/7, mukhang dumidikit na naman si Roxie kay Rico after the incidents that happened yesterday (which was showed today sa primetime).
Ang gulo nila! Ako man ay sumasakit ang ulo sa mga pangyayaring ito. Kayo nga, pakibigay ng advise para maliwanagan na ang lahat sa mga pangyayaring ito. share ur thoughts

PBB Teen Edition Audition in Cebu: A Success!
February 27, 2006 (1:45 AM PhilTime)
Ipinalabas kanina sa primetime ang auditions for Pinoy Big Brother Teen Edition sa Cebu. Sa video na ipinakita, super successful ang pagdaraos ng nasabing audition. Davao and Manila auditions are coming up in the weeks to come. Sa mga interested sumali, yung schedule of auditions ay nasa picture.

Day 21 Recap: Photo by Photo Review
February 26, 2006 (11:45 PM PhilTime)
Loads of Day 21 Pictures. A recap of Day 21 shown through screen shots of the events as it unfold.
ScreenCap Gallery I: View This Post 
ScreenCap Gallery II: View This Post 
2nd Nomination Night: Christian and Rustom Automatically Nominated, Rico for Getting 12 Votes from Co-Housemates
February 26, 2006 (11:30 PM PhilTime)
Sa isa na namang ma-dramang nomination night, dalawang housemates ang automatically nominated--si Christian dahil sa kanyang pag-mouth ng words at si Rustom dahil sa pagtakip ng microphone. Si Rico ay nominado na naman by getting 12 votes from his co-housemates.
View here the complete voting score card from each housemate.
Sino sa tingin ninyo ang matatanggal sa bahay ni Kuya this time? share ur thoughts

Si Rustom, Automatically Nominated Dahil sa Pagtakip ng Microphone para Hindi Marinig ang Boses Nito
February 26, 2006 (11:00 PM PhilTime)
Sa bahay ni Kuya bawal din ang pagtakip ng microphone. sa gabi ng February 22, tinakpan ni Rustom (either intentional or not) ang kanyang microphone at nakipag-usap sa mga housemates. Gumamit din siya ng mga hand signal during this time to convey something to the housemates na kanyang kausap.
Dalawa na ang automatically nominated. Maganda ba ito sa takbo ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition? share ur thoughts

Si Christian, Automatically Nominated Dahil sa Mouthing of Words
February 26, 2006 (10:20 PM PhilTime)
Sa bahay ni Kuya bawal ang gumawa ng hand signals at mouthing of words. Ginawa ito ni Franzen sa Season 1 at ito rin ang naging rason kung bakit napatalsik si Franzen sa bahay ni Kuya last season. Dahil sa pagsuway sa rule na ito inside the house, si Christian ang first nominated housemate.
Hindi maliwanag sa kuha ng kamera kung sinong housemate ang kausap ni Christian sa kanyang mouthing of words. Di ba dapat si Christian at ang kausap niya (if ever nag-mouth din ng words ang kausap) ang automatically nominated? Ito ang nangyari noon kina Franzen at Cassandra.
Sapat ba ang automatic nomination penalty na pinataw ni Kuya? Dapat bang isali ang kausap ni Christian? share ur thoughts

Group Pictures Before the Eviction
February 26, 2006 (10:10 PM PhilTime)
Ito 'yong group pictures ng mga celebrity housemates bago nagkaroon ng eviction last night.

Goodbye Tatay Rudy!
February 26, 2006 (10:00 PM PhilTime)
Si Tatay Rudy na nga ang unang housemate na na-evict from Kuya's house after he only got 22.6% of the total text votes coming from the viewers.
ScreenCap Gallery of Tatay Rudy's Eviction: View This Post 
Ano ang masasabi mo sa pagka-evict ni Tatay Rudy? share ur thoughts

Ang Hinanakit ni Bianca sa Ama
February 26, 2006 (10:00 PM PhilTime)
Malalim pala ang hinanakit ni Bianca sa ama nito. Lumabas ang sama ng loob nito sa ama sa weekly spiritual session ng mga housemates kay Coney Reyes na kanilang spiritual advisor. Topic kasi ng pag-uusap na iyon ay tungkol sa forgiveness. Kaya nai-share ni Bianca ang problemang dala ng ama nito sa pamilya nila. Heavy drinker kasi ang ama nito at naging pasaway lang ito sa pamilya. Ngayon lang bumalik ang ama sa kanilang pamilya nang nagkakasakit na ito. Nahihirapan si Bianca sa pagpapatawad sa ama.

Deadline for Mich's Return Has Lapsed, She Cannot Return Inside Kuya's House
February 26, 2006 (10:00 PM PhilTime)
Ipinaalam ni Kuya sa lahat including the housemates still inside the house that Mich's deadline to return to the house after undergoing more tests and observations in the hospital has already lapsed. The doctor also sent Kuya some findings about Mich's health matters indicating that Mich still needs more medical attention. The housemates were shocked of the news, and some were relieved that Mich is not coming back (?!?) Nag-share din ang resident psychologist kay Luis Manzano about Mich's current situation.





