BlogSite Posting: June 14, 2006


Katrina, Natatawa sa Labanan Nila ni Angel


SOURCE: Abante Tonite Article Written by: Allan Diones

Feel na feel ni Katrina Halili ang pagtatanggol sa ex-boyfriend ni Nancy Castiglione na si Bullet Jalosjos na balitang nanliligaw sa kanya ngayon.

Nang makausap namin kamakailan si Katrina sa mini-presscon ng GMA Artist Center sa Old Spaghetti House ay super-defend siya kay Bullet sa isyung sinasaktan umano nito si Nancy.

Ayon kay Katrina, hindi niya sinasabing sinungaling si Nancy pero sa pagkakakilala niya kay Bullet ay hindi ito 'yung tipo ng lalake na nananakit ng babae.

Marunong daw siyang bumasa ng tao at sinisiguro niya sa aming mabait at gentleman si Bullet na mag-aapat na buwan na niyang kakilala.

Bukod doon ay guwapo raw ito at marunong makisama sa lahat ng tao kaya ito ang tipo ng nobyong ipakilala mo sa magulang mo at mga kaibigan.

Sa Dakak (na pag-aari ng pamilya nina Bullet) sila nagkakilala nu'ng Pebrero nang mag-shoot doon ang Eat Bulaga. Mas madalas dito sa Maynila si Bullet kaya lumalabas-labas sila at nagtatawagan, pero hindi pa sila magsyota dahil hindi ito nanliligaw.

Obvious kay Katrina na type niya si Bullet. Ang binata ang inspirasyon niya ngayon dahil walang ibang guys na malapit sa kanya kundi ito.

Samantala, hanggang sa Hunyo 15 pa pala ang botohan para sa 'FHM Sexiest Women in the World 2006' kung saan neck-to-neck ang labanan nina Katrina at Angel Locsin.

Masaya na raw si Katrina na nu'ng hindi pa siya kilala ay nag-top 8 na siya noon sa naturang listahan, tapos ngayon ay siya na ang nakikipag-agawan sa top spot.

Kaibigan at ka-close niya si Angel (na kakumpetensiya rin niya sa Majika sa puso ni Dennis Trillo) kaya parang natatawa lang siya na sila ang pinaglalaban.

Masarap sa pakiramdam ni Katrina kung totoong mas nahumaling sa kanya ang kalalakihan dahil sa kanyang sexy FHM calendar.

Pero ayon sa kanya, malabo pang makita sa pelikula ang kanyang seksing katawan dahil hindi pa siya handang maghubad.

Hindi niya rin alam kung ano nang nangyari sa Regal movie na gagawin niya dahil hindi pa ulit nakikipag-meeting ang Artist Center tungkol dito.

Leave a Comment