BlogSite Posting: June 14, 2006


Cast Information


Dorina - (Sarah Geronimo) 16 yrs old. Masipag. Kahit mahirap, masaya siya sa blessings na nakukuha niya. Ang pinaka importante sa kanya ay ang kanyang kinagisnang pamilya. Masunuring anak, mapagmahal na kapatid. May takot at pagmamahal sa Dyos. Devotee ng Mother of perpetual help sa Baclaran. Magaling kumanta, at mahilig sumali sa mga singing contests. Mahaba ang pasensya, hindi basta basta nagagalit, unless provoked. Hindi sumasagi sa isip niya ang pagibig - ang importante sa kanya, ang pagkanta, Ang pamilya at ang Dyos. Lumaki sa pagtratrabaho para makaraos sa buhay, naging tindera ng sampaguita sa labas ng simbahan ng baclaran

RosaMia- (Zsa-zsa Padilla) 35 yrs old. Ina ni Dorina. Singer. Nahiwalay kay Dorina nung sanggol pa Lang ito. Mahal niya ang anak, pero wala siyang magawa para hanapin ito. Mahirap Lang, pero dahil sa pagpupursigi, nakilala bilang sikat na singer, sumikat at nalaos. Nauwi sa pakanta kanta sa maliliit na bar, hanggang sa pagtatagpuin silang muli ng tadhana ang magina na wala silang kamalay malay pareho. Naging mentor ni Dorina si RosaMia.

Emilio - (Tonton Gutierrez) 40 Yrs old. Tatay ni Dorina. Security guard. Mahal niya ang kanyang pamilya. Mahal niya si RosaMia, kaya Lang nagkaron ng pagseselos, dahil mas umaasenso ang asawa kesa sa kanya. Siya ang nakawala sa sanggol na si Dorina. Napagbintangang nagtutulak ng droga kaya nakulong. Ng nagbalik, siya ang unang nakakilala sa anak. Pero sikat na ito, hindi niya magawang sirain pa ang buhay ng anak. Hindi niya inamin na siya ang ama, imbis ay nag apply itong driver bodyguard sa anak. Loyal at protective siya sa bata. Wala siyang hahangarin kundi ang magandang kinabukasan sa anak

Adora - (Aiai delasAlas) 35 yrs old. Walang anak. Natanggalan ng matres dahil nalaglagan sa sinapupunan. Hiniwalayan ng asawa. Sya ang nakakuha kay Dorina. Tinuring niyang parang tunay na anak ang bata. Alam ni Dorina na ampon siya, pero hindi na ito naghahanap ng magulang, dahil pinunan lahat ni Adora ang pagmamahal na kinakailangan niya sa ina maging sa ama. Mahirap sila, tindera Lang si Adora sa isang maliit na lugawan. Buhos ang suporta para sa mga anak

Lavina - (Angelika delaCruz) 25 yrs old. Mula bata, pinagtrabaho na siya ng ina. Pangarap ng ina na maging artista ang anak. Minsang naging protégé ni RosaMia, kaya Lang, siya rin mismo ang nagpabagsak dito. Dahil na brainwash ng ina, naging buhay at kasiyahan na niya ang ilaw at palakpak ng mga tao. Wala siyang pakialam, kahit sinong tapakan, bastat maabot niya ang pangarap. Pagaartista lamang ang alam niyang gawin, kaya kakapitan niya ito, kahit anong mangyari. Kahit pamilya, handa niyang talikuran para dito.

Barbara - (Amy Austria) 45 yrs old. Hindi masyadong maganda. Dating maid ng expat at eventually naanakan siya nito. Stage Mother. Nagkaanak ng dalawang talented at magagandang anak, kayat kinalakal niya ang mga ito. Namatay ang asawa ng walang iniwan sa kanila ni isang kusing dahil may pamilya pala ito sa Italy. Brinainwash niya ang anak. Pinilit magtrabaho, hindi niya alam, siya ang gagawa ng sarili niyang multo. Dahil dadating ang panahong, susuwagin siya ni Lavina

Nico - (Ryan Agoncillo) - 25 yrs old. Mayaman. Gentleman. Mabait. Hindi sumama sa negosyo ng tatay nya, dahil mas gusto nitong sumama sama at tulungan si Lavina sa career nito. Pero ng hindi tanggapin ni Lavina ang alok nitong pagpapakasal, ginamit niya si Dorina para pabagsakin si Lavina. Ang hindi niya alam, mapapamahal siya kay Dorina.

Gary - (John Prats). 19 yrs old. Mabait ngunit Agresibo. Prankang tao. Live by the day ang motto niya sa buhay. Hindi niya plinaplano ang kinabukasan. Free spirit. Backup singer at arranger ng banda ni Dorina. Naging malapit kay Dorina at eventually, minamahal niya ito. Pero hindi siya sinagot, pero handa siyang maghintay para dito.

Oman - (Carlo Aquino) 20 yrs old. Kababata ni Dorina. Naging bestfriend nya. Torpe at Jolog. Hindi nakatapos ng pagaaral. Pero naging inspirasyon niya si Dorina para mapaangat ang buhay. Pinilit niyang magaral muli para kay Dorina. Dahil mahal niya ito at gusto niyang tapatan ang meron ito. Pero kahit anong gawin niya, masyadong mabilis ang pag asenso ni Dorina, hindi niya maabutan.

Larry Calma - (Dominic Ochoa) 30 yrs old. Producer ng recording company ni Lavina. Tuso. Gagawin ang lahat for Lavina. Walang kamalay malay si Lavina, na naiinlove si Larry sa kanya. Kaya pala kahit hindi na ito bumebenta, sige pa rin si Larry sa kaka buildup sa kanya

Source: ABS-CBN Network Website

Leave a Comment