BlogSite Posting: June 9, 2006
June 7, 2006 Episode ScreenCaps and Recap (Part I)
Usap-usapan naman sa School nila Teng ang pangyayaring naganap, kung saan binuhat ni Captain barbellang sasakyan at iniligtas ang mga tao. Wala silang kamalay malay na si Teng ang dahilan ng lahat ngito.
Nagkaharap naman si Jared at Teng, nagsapakan, bigla naman dumating si Levi at tinulungan si Teng.Ang pesteng guro, kinampihan pa si Jared at hindi naniwala sa sinabi ni Levi at Teng.Nahihiya naman si Leah dahil pati si Teng at nadadamay sa problema nila ni Jared. Tinanong siya niTeng kung mahal niya si Jared, sinabi ni Leah na hindi ganun madaling kalimutan si Jared, pero dahilsa mga nangyari, parang nakikita na niya kung anong klaseng tao talaga si Jared. Nakita ni Kit si Teng at Leah na magkasama, mukhang may lihim na pagtingin si Kit kay Teng...
Nahuli at nakakulong na sa Munisipyo si Narsiso (the glass man).
Sweldo ni Teng kaya maaari siyang sumama sa field trip at kasama si Leah. Ang problema, kinuha nanang isang kasamahan niya ang kanyang sweldo kaya problemado ito kung saan kukuha ng pera pambayad sa fieldtrip. Sinubukan niyang humingi sa kanyang Tiyo at Tiya kapalit ang anumang trabahong ipapagawa sa kanya. Hindi ito pinakinggan. Pero ang kanyang lola to the savior ang nagbigay sa kanya ngpambayad sa field trip.
Kaya pala hindi maganda ang relasyon ni Leah sa kanyang ama, dahil sya ang naging dahilan ng pagkamatayng kanyang ina, na hindi nagustuhan ng kanyang Ama. Kaya ganun na lang ang galit nito kay Leah.
Sa taekwondo competition nagharap si Jared at Levi, napanood ito ng kanilang mga ama, at pinagpustahanpa kung sino ang mananalo for 500000 pesos, unfortunately, natalo si Levi.
Pag uwi sa bahay ni Levi, binugbog pa siya ng kanyang ama, dahil napahiya siya. Hindi pala tunay na anakni Barbara si Levi. But then maganda pa rin ang pakikitungo nito sa kanya.
Ano ang koneksyon Mrs. B sa ama ni Levi? i thought she's already dead.
Recap Source: Captain Barbell BlogSpot






