BlogSite Posting: June 12, 2006


Captain Barbell Habang Iniintriga, Lalong Umaariba


SOURCE: Abante Tonite Article Written by: Jun Lalin

Habang iniintriga, lalong nagiging matagumpay ang Captain Barbell ni Richard Gutierrez.

At kahit iniintrigang may pagkakatulad sa Smallville at Superman ang ilang eksena ng telefantasyang ito ng GMA 7 ay hindi pa rin ito binibitiwan ng kanilang loyal viewers.

Kung may mga feedback na kopya ito sa Smallville at Superman, mas marami ang nagsasabing nag-e-enjoy sila sa panonood ng Captain Barbell.

Kung panonoorin mo palagi ang Captain Barbell, makikita mo ang magandang kalidad ng telefantasyang ito.

Makikita mo ang hirap ng cast and staff sa paggawa ng Captain Barbell.

Sabi ni Annabelle Rama, hindi siya bothered sa mga tumitira at naninira sa Captain Barbell dahil noon ay ganoon din ang nangyari sa Mulawin, na pinagbidahan din ng kanyang anak.

"Di ba, panay ang bira nila noon sa Mulawin? Ayun, lalo tuloy tumaas ang rating noon ng Mulawin. Sa ngayon, ginagawa rin nila 'yan sa Captain Barbell, kaya 'yung viewers, lalo tuloy sinusuportahan ang Captain Barbell," sey ni Bisaya.

Samantala, maraming viewers ang nagsasabing effective ang pagiging api-apihan ni Richard bilang si Teng-Teng. Naaawa raw sila sa binata tuwing inaapi ito ni Jackie Lou Blanco.

At tuwing nagiging Captain Barbell si Richard ay napapalatak ang mga manonood dahil superhero na superhero ang dating ng binata.

Syanga pala, nakausap namin si Rams David, program manager ng Captain Barbell, at nagbigay siya ng assurance na lalo pang magiging kapana-panabik ang telefantasyang nabanggit.

Leave a Comment